
PRAYER RALLY NI
PACQUIAO NILINDOL
Malakas na lindol ang gumambala
sa papatapos noon na prayer rally ni Congressman Manny Pacquiao sa Gensan noong
Biyernes ng gabi.
Nakita na lamang daw ng mga
naroon na naggagalawan ang mga naglalakihang speakers at ilaw sa venue sabay sa
malakas na pagyanig ng lupa habang sila ay nanalangin.
Hindi naman daw nagambala ang
kanilang pagsamba pero labis ang idinulot na takot ng mga naroon sa lakas ng
lindol.
Bahagi kaya ng pagsubok sa lakas
ng pananalig ni Pacman ang pagyanig ng lupa habang siya ay nagbabahagi ng mga
salita ng Diyos?
RUFFA G. SUPORTADO
ANG CONGRESSIONAL BID NI ANNABELLE
Sa twitter nga lamang daw
nakumpirma ni Ruffa Guittierez ang interes ng kanyang inang si Annabelle Rama
ang intensyon nitong tumakbo bilang kongresista sa Cebu.
Kasalukuyan pa nga raw
nagpapa-file ng kanyang application si Bisaya ng tawagan ni Ms. World…
Nakakaloka talaga ang mga lahi ni
Tito Eddie, puro sila controversial… buti na lamang at super kalmado si Edong…
Susuportahan daw ni Ruffa ang ina
sa anuman ang plano nito dahil naniniwala siya na hindi naman papasukin ng ina
ang kanyang bagong pakikpagsapalaran kung hindi nito alam ang kanyang ginagawa.
Ang tanong, suportahan din kaya
ng mga Cebuano ang pangarap ni Annabelle na maging kanilang kinatawan sa
Kongreso. Ano nga ba ang mga balakin at plataporma ni Annabelle para sa kanyang
distrito?
BEST AND WORST DRESS
SA STAR MAGIC BALL
Wala nang patumpik-tumpik narito
na ang personal choices ng inyong lingkod sa mga Best and Worst Dress
Celebrities ng katatapos lamang na Annual Star Magic Ball.
Black Swan ang drama ni Bea
Alonzo and she perfectly stood the part but it was the simple yet tasteful
drama and design of Carmina Villaruel’s dress that took my breath away.
What’s with Gab Valenciano’s
suit… parang stretchable at mumurahin ang tela lalo tuloy silang naging mukhang
beauty and the beast ng partner niyang si Coleen Garcia?
Mukhang Ninang na lang sa kasalan
si Janice De Belen sa kanyang gown na nagpatanda sa kanya.
No comments:
Post a Comment