Friday, September 28, 2012

EXHIBITIONIST SI BEAUTY

http://pssst.com.ph/wp-content/uploads/2012/06/Corie-Cristie.png
CHRISTIAN BAUTISTA MATRONA MAGNET RIN

Sa katatapos na isang corporate awarding ceremony ng isa sa Big 3 gas companies ay naging bisita si Christian Bautista upang awitan ang mga Malaysian delegates ng nasabing oil company. Patunay na talagang sikat si Xtian sa kalakhang Asia.
Dahil ang mga 50 top awardees ay pawang gas dealers mula sa Malaysia, patunay lamang ito na puro milyonaryo ang mga bisita. Sila ang mga may-ari ng pinakamalalakas na gas station sa kanilang bansa.
Pero sa kabila ng kanilang yaman ay dito nila napili na gawin ang kanilang selebrasyon sa ating bansa at bahagi nito ay ang interes na makita nila at makadaupang palad ang  ating local debonair na si Christian.
Sa bahagi ng palatuntunan na umawit ang ating bida ay hindi nakatiis ang ilang kababaihan na lapitan at alayan ng bulaklak ang guapong singer. At nagtitilian pa ang mga ito ng umawit na ng Malaysian songs si Christian.
Hay naku… malakas talaga appeal ng ating pambato dahil kahit mga rich matrons ay bumibigay at nawawalan ng poise kapag naawitan at nangitian na niya.

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN 

Maricel Soriano ang Diamond Star ay balik Kapamilya na sa soap na Bukas Na Lang Kita Mamahalin kasama sina Dina Bonnevie na balik Dos din at Tonton Guittierez bilang main interes nilang dalawa. Welcome din sa bagong Kapamilya star na si Diana Zubiri na first time gagawa ng soap sa Dos. In fairness bagong timpla ito ha…
AT syempre bagong timpla rin ang Gerald Anderson, Christine Reyes at Rayver Cruz love triangle. Siguradong gagawan ng isyu ang tambalang ito para paingayin at pag-usapan, sana lang ay hindi masira ang tunay na relasyon nina Tin at Rayver sa likod ng camera. Alam naman natin na nagiging balakid kung minsan ang trabaho sa tunay na relasyon kapag naiintriga at nabibigyan kulay ang relasyon sa harap ng camera.

FAMAS AWARDS NIGHT WINNERS

Congratulations sa mga winners ng FAMAS 2012
Best Actress si Anne Curtis for “No Other Woman” at Best Actor si Jeorge Estregan for “Manila Kingpin”. Best Supporting Actress  naman si Angelica Panganiban for “Segunda Mano” at Best Supporting Actor si Baron Geisler for “Manila Kingpin”
Xyriel Manabat for “A Mother’s Story” won Best Child Actress at German Moreno Youth Achievement Awardees sina Julie Anne San Jose, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Enrique Gil,
Daniel Padilla, Jessy Mendiola at Edgar Allan Guzman.

EXHIBITIONIST SI BEAUTY

Tawagin na lang nating Beauty ang bida sa ating kwento ngayon. Isa siyang sikat na celebrity na maraming alalay na bading na nagkwekwento tungkol sa kanyang mga sexcapades dahil na rin sa kanyang kakaibang gimik kapag siya ay may ka-tsug!
Mahilig sa mga matatangkad na lalaki si Beauty dahil sa pananaw niya ay may mahahaba rin itong sandata na kanyang paboritong gawing lollipop… pero ang hindi alam ng kanyang mga kalaguyo ay may live audience sila!
Kung si Hayden ay video cam lang itong si Beauty mas daring dahil itinatago nya sa makakapal na kurtina ng kanyang pad ang kanyang mga PA bago niya ikama ang kanyang mga dates.
Say pa ng mga PA…bago pa po niya kami itago sa kwarto ay sisiguraduhin niyang wala kaming mga celfone na dala dahil ayaw niya ng may pruweba sa mga kalokohan niya pero sa totoo lang po ang guguwapo at ang mamahal ng mga ka-date niya dahil karamihan sa kanila ay basketball players mula sa mga sikat na unibersidad  sa paligid!


Wednesday, September 26, 2012

INGAT SI KOMEDYANTENG LUMOBO ANG ULO



http://pssst.com.ph/wp-content/uploads/2012/06/Corie-Cristie.png
MINI-REUNION SA LIFETIME OF FREEDOM BOOK LAUNCH
Congratulations sa kaibigang Arlyn Dela Cruz dahil sa bukod sa pagiging isang journalist ay official na siyang book author… Matagumpay na nailunsad kamakailan ang librong A Lifetime of Freedom na nilimbag ng Katha Publishing Co. Inc.
Hindi ko pa po maibabahagi sa ngayon ang aking saloobin ukol sa laman ng aklat dahil plano ko po na ibaon ito sa aking biyahe sa isang buwan at basahin ito sa aking 18 hrs. flight. Alam kong mas higit kong mananamnam ang bawat pahina nito sa panahong walang ibang gugulong deadline o schedule sa aking isipan. Kaya reserve for the meantime ang aking opinion about it pero sigurado akong maganda ang libro ayon sa mga narinig kong partial reading during the book launch.
Parang mini-reunion din ang nasabing okasyon dahil muli kong nakasama sa isang silid ang magandang senadora na si Loren Legarda na minsan rin naming nakasama ni Arlyn sa newsroom ng Dos… Nakita ko rin doon si Jake Maderazo at ilan pang kasama sa panulat.
Pero higit ang aking kasiyahan ng makita ko ang dating boss sa Vintage TV na si Ms. Olive Villafuerte who I found out was instrumental in giving Arlyn her break in television.
Kaya naman sure akong magiging best seller ang A Lifetime of Freedom ng kaibigan Arlyn dahil matindi ang mga  subjects na laman nito tulad ng mga Burnhams at Khadaffi… at ang mga karanasan niya bilang isang journalist, kaibigan at bilanggo sa piling ng mga tauhang nabanggit. TV journalism in a book… something fresh from POV of ARLYN!
PRINCESS AND I – EXTENDED
Aminado ang cast ng Princess and I na mahina ang naging ratings nila sa pagsisimula ng kanilang programa na dahilan kung bakit ito kailangan magpaalam na sa ere…
Pero laking gulat ng buong grupo ng biglang pumaimbulog ang nasabing Primetime Bida soap sa ratings nitong nakaraan tatlong linggo na dahilan ngayon ng kanilang extension.
Hindi naman kasi maikakaila ang magic ng chemistry ng love triangle nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Enrique Gil…  hanggang sa ngayon ay malaking katanungan kung sino ang magwawagi sa puso ni MIkay.
Bukod pa rito ay talagang inaabangan ang bawat outfit at accessories ni Gretchen Baretto bilang si Bihatti. Sabi ni Greta sa kanyang interview sa the D’Buzz last Sunday ay ganap na raw siyang isang actress at malayo na ang narrating nila ng kasabayang si Rory Quintos na isa na ring premyadong direktora ngayon.
Congratulations sa Princess and I …
INGAT SI KOMEDYANTENG LUMOBO ANG ULO
Nagka-kwentuhan ang ilang magkakaibigan sa industriya ng isang sikat na komedyante sa isang kapehan kamakailan at ang kanilang topic ay ang common friend nila na dati lamang isang maliit na bit player at langaw na reporter na susunod-sunod sa isang tanyag na manunulat.
Iisa ang kanilang hinaing… Super lobo na raw sa laki at hangin ng ulo ni komedyante na akala yata’y hindi na matatapos ang kanyang tagumpay.
Sa umpukan ay napag-usapan ang panlalait na inabot ng isang upcoming director/friend na minenos diumano ni komedyante ang kakayahan… sabad naman ng isa… “Ako nga hinarang niya ang pagkakataong mag-direk ng isang talk show sa isang nagsisimulang network noon eh! Ayun, nakarma siya at nawala agad sa ere ang programa.”
Yumaman ng husto si komedyante dahil sa pagiging tuso nito sa pera… ito naman ang kwento ng isa pang dating kaibigan. Napakalaki daw kasi magpatong sa talent fee ng kanyang mga alaga ang nasabing comic dahil nagma-manage din ito ng ilang artista, bagay na dahilan din daw ng hiwalayan nila ng isang sikat niyang alaga!
Sabi naman ng dati niyang PA… “Ako nga ginugutom nya sa kabila ng pagpapahirap niya sa akin eh, kaya hindi na ako babalik sa kanya… ang sama-sama ng ugali niya pati ng asawa nya!”
Sa kabila ng kanyang pagbabago ay dasal ng kanyang mga DATING KAIBIGAN na sana ay maliwanagan si Komedyante bago pa mawala ang lahat ng kanyang kaibigan…

Friday, September 21, 2012

ARLYN DELA CRUZ BOOK LAUNCHING




@ Direk Corie
Para Sa Daily Balita
ARLYN DELA CRUZ – A LIFETIME OF FREEDOM
It was an eventful afternoon for yours truly this weekend dahil bukod sa mga inattenand naming mga events at programa ay daig pa namin ang dumalo sa mga reunion…
Kasama ng ilang kaibigan sa panulat ay pinakinggan namin ang mga pahayag ni Arlyn Dela Cruz na dating kasamahan ng inyong lingkod sa Newsroom ng ch. 2, siya bilang bahagi ng TV Patrol at ako sa Hoy Gising!
Ito ay tungkol sa kung paano niya sinulat at pinagsama-sama sa isang aklat ang kanyang mga natatanging karanasan bilang isang journalist sa A Lifetime of Freedom.
Sa mga susunod na araw ay ibabahagi ko sa inyo ang aking mga mababasa sa nasabing aklat pero sa ngayon ay pagtuunan muna natin ang mga kwento sa likod ng nasabing book launch.
Parang kalian lamang ay dalaga pa si Arlyn pero sa programa ay nagbasa na rin ng ilang pahina ng aklat ang dalawa niyang anak na dalagita pero tulad ng dati ay batam-bata pa rin at sexy si Arlyn, walang kupas ika nga!
Bumati rin ang dating kasamahan sa Dos na si Senator Loren Legarda na tinapos pa ang programa upang makisalimuha sa mga kaibigan ni Arlyn na naroon para sa pagbati sa kanyang tagumpay.
Si Arlyn pala ay nabigyan ng break bilang isang newscaster ni Ms. Olive Villafuerte na dati naman naming boss sa Vintage TV. Maganda at super bait pa rin ni Ms. Olive na walang pinagbago at talaga naman ever so gracious pa rin… hindi ko maiwasan na mag-reminisce ng kami ay magkausap.
Sadyang hindi ko binabasa pa ang libro ni Arlyn dahil ito ang balak kong ibaon at basahin sa 18 hours na flight ko papunta Los Angeles next month… kasi alam kong na maganda ito, dahil hango sa totoong buhay ng isang katulad kong alagad ng journalismo na si Arlyn Dela Cruz.  Congratulations ngayon pa lamang dahil alam naming na magiging isang best seller ito kaibigan!
COACH DODIE KING STRIKES BACK
After the very intimate and yet very successful book launch of friend Arlyn ay dinayo naman namin ang surprise birthday party para sa kaibigan Cristine “Tintin” Rex na hinanda ng kanyang partner na si Coach Dodie King.
Tin turns 40 and yes she remains the very sexy lady that she is in her Maxie Cinco yellow gown.
Coach Dodie King is now super involved in the soccer team that he adopted and sponsored with some of his sports friends. San Pedro, Laguna will definitely benefit from this PR man in days to come.
HUNK NA WALANG UNDIES
Totoo ba ang balitang nakita sa bangko ang isang hunk commercial model turned actor na nagwiwithdraw ng kanyang talent fee na ang suot lamang ay isang maigsi at manipis na shorts na hindi nagawang itago ang bukol niya sa harapan na galit na galit ng  mga oras na iyon?
Sabi ng nakakita sa kanyang isang dating executive producer ng isang malaking network at isang reporter/radio anchor na nag-eencash din ng kani-kanilang mga cheke nang oras na iyon ay mukhang galing sa taping ang hunk at nakatulog ito sa kanyang kotse na dumiretso naman sa bangko.
Hindi na raw nagawang magsuklay ni hunk na pumasok ng bangko pero mas higit daw na nakuha ng kanyang bukol sa harap ang pansin ng mga tao sa loob ng establishment.
Si Hunk ay bida sa isang existing toothpaste commercial na umeere ngayon!

A LIFETIME OF FREEDOM



http://pssst.com.ph/wp-content/uploads/2012/06/Corie-Cristie.png
MINI-REUNION SA LIFETIME OF FREEDOM BOOK LAUNCH
Congratulations sa kaibigang Arlyn Dela Cruz dahil sa bukod sa pagiging isang journalist ay official na siyang book author… Matagumpay na nailunsad kamakailan ang librong A Lifetime of Freedom na nilimbag ng Katha Publishing Co. Inc.
Hindi ko pa po maibabahagi sa ngayon ang aking saloobin ukol sa laman ng aklat dahil plano ko po na ibaon ito sa aking biyahe sa isang buwan at basahin ito sa aking 18 hrs. flight. Alam kong mas higit kong mananamnam ang bawat pahina nito sa panahong walang ibang gugulong deadline o schedule sa aking isipan. Kaya reserve for the meantime ang aking opinion about it pero sigurado akong maganda ang libro ayon sa mga narinig kong partial reading during the book launch.
Parang mini-reunion din ang nasabing okasyon dahil muli kong nakasama sa isang silid ang magandang senadora na si Loren Legarda na minsan rin naming nakasama ni Arlyn sa newsroom ng Dos… Nakita ko rin doon si Jake Maderazo at ilan pang kasama sa panulat.
Pero higit ang aking kasiyahan ng makita ko ang dating boss sa Vintage TV na si Ms. Olive Villafuerte who I found out was instrumental in giving Arlyn her break in television.
Kaya naman sure akong magiging best seller ang A Lifetime of Freedom ng kaibigan Arlyn dahil matindi ang mga  subjects na laman nito tulad ng mga Burnhams at Khadaffi… at ang mga karanasan niya bilang isang journalist, kaibigan at bilanggo sa piling ng mga tauhang nabanggit. TV journalism in a book… something fresh from POV of ARLYN!
BENCH UNIVERESE DISAPPOINTS
What’s this we heard from those who watched Bench Universe 2012?
This 2012 show being compared to the past few years that Bench had their fashion extravaganzas.
The presence of Coco Martin and Paulo Avelino turned out to be the highlights since much of the other models and actors are not as hot and commercial as the above mentioned two. Jake Cuenca showed his ass but what’s new in there? Dingdong Dantes in pants…duhhh!!!
Yes there is Piolo’s nephew Benjamin Alves and fresh face Enzo Pineda in the mix but there was a big missing element in the whole casting…
Kim Chui, Borgy Manotoc, Julia Montes, Dither Ocampo, Kathryn Bernardo, Richard Gomez, Lovi Poe, Aljur Abrenica, Karylle, Carl Guevarra, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Paul Jake Castillo, Rayver Cruz, Bella Padilla & Kris Lawrence, plus Mr. & Mrs. Manny Pacquiao to name a few other celebrities but the universe did not seem aligned during the two nights of the show since people came out of the arena a little bit disheartened since their expectations were not met by this year’s production.
Some of them people were expecting more flesh compared to past shows and they did not see that which they paid for! People this is a fashion underwear show and not a strip show….duhh!
NO UNDIES FOR BATMAN
Sino naman ang commercial model turned actor na hindi nilagyan ng saplot si Batman?
Maingay at matunog ang balita ngayon na may pagka-exhibitionist itong si commercial model dahil kahit sa katirikan ng init ng araw ay hindi ito nagsusuot ng underwear kahit manipis  pa ang kanyang suot na shorts.
Hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na nasilipan na ang actor dahil mahilig nga raw itong lumabas ng bahay ng commando (walang underwear) kahit pa maigsi at manipis ang kanyang mga salawal pero itong huli ay sa publiko pa daw ito nagpasikat.
Alam kaya ni hunk na bakat na bakat ang bitbit niyang bato sa manipis niyang shorts nang minsan siyang mapalit ng cheke sa bangko kung saan nakita at pinagsawaan siyang titigan ng isang radio anchor at executive producer na pawang bading sa kapareho niyang istasyon? Close-up kung close-up na buyangyangan ni Batman ba ang labanan?

Wednesday, September 12, 2012

CONGRATULATIONS PMPC STAR AWARDS FOR MUSIC



http://pssst.com.ph/wp-content/uploads/2012/06/Corie-Cristie.png
CONGRATULATIONS PMPC STAR AWARDS FOR MUSIC
Isang malaking tagumpay ang katatapos lamang na PMPC Star Awards for Music last Sept. 9, Sunday kung saan pinarangalan ang mga magagaling na singers ng ating bansa.
Ginawa ang parangal sa Meralco Theater sa direction ni Al Quinn at stage design ni Rico Ancheta.
Maganda ang pagkakagawa ng naturang parangal at talagang kumpleto ang mga winners sa pagtanggap ng kanilang mga papuri maliban na lamang kina Leah Salonga na nasa US, Sharon Cuneta na indispose at Zsa Zsa Padilla na alam naman nating nagpapagaling sa kanyang katatapos lamang na operasyon.
Big winner ang Spongecola’s Araw, Oras, Tagpuan for Album of the Year, si Jed Madela for winning Male Recording Artist of the Year, 2nd year in a row and Aiza Seguerra for Female Recording Artist of the Year.
Maganda rin ang tribute sa mga itinanghal na OPM Icons of the year na sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Kuh Ledesma, Leah Salonga, Sharon Cunera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
Naroon para awitin ang kanilang mga classic ang 2nd generation nilang sina Robin Nievera who also won Best New Male Recording Artist, Isabella, Karylle and Paolo Valenciano. The number was so well applauded specially so Regine and Ogie accepted their awards declaring na “HIntayin nyo rin ang anak ko… In two years time ay bibirit na rin ito!” Ang gagaling kasi ng mga anak na nabanggit na nagbigay pugay sa kanilang mga magulang.
HIGHLIGHTS AND SIDELIGHTS
Walang Best Dress and Star of The Night awardees ang PMPC Music awards kagabi, bagay na kakaiba ngayon dahil alam naman natin na parating may ganito kapag awards night…
Pero kung mayroon ganung parangal ay runaway winner ang host ng gabi na si Maja Salvador who was very sexy and gorgeous in both her gowns during the program.
Ang ganda rin ng mini-cocktail dress ni Karylle during her production number together with the Icon 2nd gen. at lalo pinatingkad ang kagandahan ni Karylle dahil present at winner ang  love niyang si  Yael sa mga nominations ng grupong Spongecola.
First time ko yata nakita si Bamboo na nagperform on stage na formal at naka-suit, bagay na bagay sa kanya ang kanyang kasuotan.
Christian Bautista came with his girlfriend kaya naman all smiles ito during and in between performances not mention na nanalo rin siya twice for his album OUTBOUND as Pop Album of the Year and Pop Male Singer.
The opening number of the evening was a production coupe of all the nominated Song Of The Year at kumpleto ang mga nominees to perform their carrier tracks like Jed Madela (Breathe Again), Erik Santos ( Kulang Ako Kung Wala Ka), Spongecola (Tambay), Bamboo (Question) Christian Bautista (I’m Already King) Juris (Kahit Di Mo Sabihin) at Sam Milby (Hindi Kita Iiwan). Sabi nga ng mga manonood doon “Opening number pa lang ay super sulit na dahil sa ganda at bigat ng mga performers!”
The Wondergays run away with three awards beating contender Willy Revillame in the Novelty  Category namely Album, Song and Artist of the year… huh?
AGING DIVA FOCUSES ON CLOSETED MALE LEAD
May nadinig kaming ugong-ugong sa paligid ng isang event lately tungkol sa obvious na pagpaparamdam di umano ng isang sikat na Aging Diva na sa idad nya ngayon ay matatawag na rin siyang isang cougar o may idad na babaing naninilo ng mga mas batang partner. Sa kwentong banggit ay mainamataan daw talaga nitong si AD ang isang super sikat na Leading Man na napapabalitang berde ang dugo dahil gusto raw nitong patunayan na kahit bading ay mate-turn on sa kanya.
Maganda naman talaga at  seksi pa rin si AD pero paano siya papansinin ni LM eh kulang na nga lamang daw ay magladlad ito sa dami ng mga bali-balitang naka-relasyon niyang kapwa niya male celebrities.
“Basta titikman ko siya at hindi nya ako matatanggihan sa oras na makorner ko siya!” ang mga pagbabantang binitiwan diumano ni AD sa kaibigan niyang best na babae ng LM.