Monday, July 30, 2012

ACTOR/POLITICIAN BADINGDING DIN!


CorytiCo
By Corie Criste
“Hindi tayo magma-marunong, tayo ay magmamasid lamang at mag-aabang ng mga bagay na magpapa-asim sa ating panlasa… Asim na magpapa-anghang ng ating pananalita!
Hindi manunuligsa pero siguradong mag-uusisa!” 

MATTEO AND MAJA LOVE STORY ENDS

Isa po ang inyong lingkod sa nalungkot sa confirmation na tapos na talaga ang love story ni Matteo at Maja dahil sa gandang-ganda ako sa kanilang dalawa.
Si Matteo with his Italian heritage and Maja with her beautiful Salvador Lineage siguro ang ganda ng mga magiging anak ng pair na ito… but sabi nga sa linya “this too will pass” meaning kahit ang magandang simula ng love affair na ito did not make it last a lifetime.
Pero despite his recent heart break ay super guapo si Matt the last time I saw him during one of the shows that we were together. Golden Tan at lean slim muscled stance… grabe his good looks were the more highlighted by his present glow.
Pero napa-amin ko rin sa Matt sa isang kwento noong kanyang student years na once in his lifetime ay naging girlfriend nya ang isa sa kanyang mga teachers sa school! Ganun katindi ang charisma at appeal ni Matt na maging ang kanyang teacher ay na-in love sa kanya!

ACTOR/POLITICIAN BADINGDING DIN!

Guapo, matangkad, modelo, sexy, singer, civil servant name it nasa kanya na lahat… Bata pa ay pasok na sa politika at mas mataas na pangarap na posisyon sa susunod na eleksyon… pero ang tanong ng marami sa kanyang paligid, bakit ni minsan ay hindi man lang na-link ito sa babae at hindi napabalitang may girlfriend?
Matunog ang tsismis na berdadero din ang dugo ng hunk na ito na ngayon ay bahagi ng isang grupo ng mga baguhang singers na puro guapo pero hindi naman mga kagalingan talagang umawit.
Sa kwento ay tila may namumuong relasyon sa pagitan nito at isa sa mga kasamahan niyang cute na singer sa grupo.
Pareho silang taga-Norte at pareho sila ng munisipyo kaya naman sabi ng iba ay best friends lang sila at hindi dapat na bigyang malisya ang kanilang samahan.
 

KUMPARE – KWENTO NG MGA BAKLANG BIKTIMA

Sabi ng director ng Indie Film na Kumpare na si Jonison Fontanos ay kwento daw ng mga baklang biktima ng heinous crimes at gay discrimination ang kanyang movie na malapit ng ipalabas sa UP Theater itong papasok na Agosto.
Ayon sa kanya ay inspired daw ito ng istorya ng doctor sa Cebu na piƱatay ng dalawang kabataan na kanyang inimbita sa kanyang tahanan na nakuhanan pa ng video.
Kwento na anim na magkakaibigang lalaki na masasangkot sa krimen dahil sa gay discrimination. Sana ay maging maganda ang pagtanggap ng mga viewers sa movie di ba Doc. Almond Derla ng La Estetica Derm Clinic?

Thursday, July 26, 2012

PaVirgin pa ang pahadang Bagets


YOUNG ACTOR NA PAHADA SA QUEZON CITY NAGPAPANGGAP NA VIRGIN!

Naloka kami sa nabasa namin na article claiming na “virgin“ pa raw ang isang new teen actor samantalang sikat na sikat naman ang pangalan nya sa mga parlors at bading sa Project 2 and 3!
Ayon sa aming mga nagmamalditang source, pwede nga raw na sa babae ay “virgin” pa si teen actor dahil mas sanay itong magpalipas ng init ng kanyang katawan kasama ang mga bading sa kanilang paligid.
IN fairness sa actor ay super guapo at matangkad ito pero balita rin na hindi naman bagay sa kanyang taas at tindig ang sukat ng kanyang junjun!
Pero sa kabila ng nakaka-turn na balitang little si junjun hindi pa rin matatanggihan ng mga baklesh si teen actor dahil sa mukha talaga itong artista at mabango! At sa totoo lang sabi ng mga nagpiyesta na sa kanyang zombadings… mura lang daw magcharge si bagets… talagang release lang daw ng “L” ang habol nito dahil can afford naman daw ang pamilya nito!
Asus… am sure marami na naman ang nagtilam-tilam sa blind item na ito… sige sya… Go…go…go na sa Proj. 2 & 3 at ipagtanong ang bagets sa mga badings!

New DepEd Ambassadors

RYAN BOYCE DEPED ECO AMBASSADOR

RYAN & BING BOYCECorie CristieNAGING Live guest namin ng kaibigang si Ms. F sa radio program na Wow! Ang Showbiz! ang magkapatid na Ryan at Bing Boyce na parehong guwapo at matangkad.
Si Ryan, 15 years old, 5”10” ay sumikat dahil sa PBB Teens participation niya na lalong pinag-usapan dahil sa on-air ligawan nila ng PBB 2nd placer na si Karen Reyes.
Si Bing, 17 years old, 6 ft. ay ang latest member ng PMAP at ang magkapatid ang napisil ng DePEd na maging Environmental Ambassador nila na nag-iikot nationwide promoting the protection of our environment.
Malaking responsibilidad ang nakaatang sa magkapatid dahil dapat ay makumbinse nila ang mga katulad nilang kabataan na maging mas maingat at mapagmahal sa ating kalikasan na hindi naman kaila sa ating lahat na patungo sa mabilis na pagkasira at pagkaubos kung hindi maalagaan at maaasikaso ng tama.
Malaki ang future ng magkapatid sa larangan ng showbiz dahil maging sa pagbisita nila sa aming radio program ay sinundan sila ng sanrekwa nilang mga fans na talaga namang super support sa kanilang mga proyekto.
Mabait at karinyoso ang magkapatid and we really hope na mananatili silang ganito sa kabila ng napipinto nilang kasikatan. Congratulations, Ryan and Bing, we need more young people like you na socially conscious at responsible.

Wednesday, July 25, 2012

Chabit Singson the Father not the Politician


CorytiCo
By Corie Criste
“Hindi tayo magma-marunong, tayo ay magmamasid lamang at mag-aabang ng mga bagay na magpapa-asim sa ating panlasa… Asim na magpapa-anghang ng ating pananalita!
Hindi manunuligsa pero siguradong mag-uusisa!” 

CHABIT SINGSON THE FATHER NOT THE POLITICIAN

I must congratulate Kris TV on the episode where they visited the mansion of Gov. Chabit Singson in Ilocos. Sa kabila kasi ng lavish lifestyle ni Gov. ay hindi iyon ang nakapukaw ng aking paghanga sa kanya. Mas naging matimbang ang aking pagtingala sa kanya dahil sa relasyon niya sa kanyang mga anak na kitang-kita ang pagkamalapit at pagmamahal sa kanya.
Sa kabila ng marangyang pagpapalaki sa mga bata, kanya-kanyang Yaya at driver na naghahatid sa kanila sa kanilang British School ay lumaki ang mga itong marespeto, mabait at magagalang. Wala akong nakitang katiting man na arrogance o yabang sa mga bata.
Ang dingdong na terminology ng mag-amang Chabit at bunsong anak na babae na paraan pala ng pagkarga ng ama sa anak ay very touching. Walang pretension at walang takot ang mga bata sa ama na akala ng marami ay mabagsik, intimidating at matapang ay kabaligtaran pala sa totoong buhay niya kapag ang usapan ay ang kanyang mga supling.
Maging ang present girlfriend ni Gov. na si Josephine Pintor ay hindi rin nakalusot sa pang-uusisa ni Kris. Maganda at talagang naman very ladylike at class ang kilos ng ina ng bunsong lalaki ni Gov.
Congratulations Gov. Chabit for being a wonderful father… sa puntong iyan ay saludo kami sa iyo!

AMA NI ACTOR NAGLALADLAD SA BULACAN

Tricycle driver pala ang kinahuhumalingan ng isang closetang ama ng isang sikat na young actor!
Ito ang latest an chika ng isang kasamahang reporter sa radio program na Wow Ang Showbiz na hosted by Fernan Ms. F De Guzman at ng inyong lingkod.
Naku siyempre naintriga kami ni Ms. F kaya super listen kami sa kaibigan at doon namin nalaman na hindi na mapigilan ng fadir ni young actor ang kanyang kabaklaan na dumadayo pa raw ngayon sa Bulacan  dahil nahulog ang puso nito sa isang pedicab driver na balitang-balita ang kadakilaan sa TODA ng kanyang lugar.
Halos pareho ang istorya ni young actor sa isang dating young actress na bading din ang ama… ang kaibahan nga lamang ay biological daughter si actress at ampon lang si actor.
Naku ang kabadingan ng inyong mga ama ay sayawan na lamang ninyo dahil hindi talaga ito maililihim at mapipigil sa katagalan!

BEAUTY QUEEN PERO BATTERED WIFE PALA

BEAUTY QUEEN KASAL PA LANG BATTERED WIFE NA!
Kamakailan lamang ay nagkahiwalay ang isang solon at ang kanyang Beauty Queen Wife (BQW) at balitang sa mga susunod na araw ay ilalantad na ng babae ang side nya ng story kung bakit siya nakipaghiwalay kay lalaki.
Sa mga paunang kwento ay nasabi ni BQW ay sinabi niyang during the ceremonies pa lamang daw ng kanilang kasal ay emotionally dampened na siya dahil minunura na siya ni Solon dahil lamang sa walang kutson ang silya nila sa simbahan… Parang hindi totoo dahil nasa loob sila ng simbahan at saka araw ng kasal pa lang… kahit naman siguro sinong lalaki ay hindi ito gagawin sa kanyang partner during the wedding ceremonies di ba? Pero patutunayan daw ito ng mga friends ni BQW na member ng entourage.
Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng dalawang anak ang mag-asawa at dahil sa pagpasok sa politika ni Solon sa suulsol ng amang papatapos na ang termino ay naging trophy wife naman si BQW upang buuin ang imahe ng isang masaya at buong pamilya.
Ngayon dahil sa tsismis ng 3rd party sa pagitan ng mag-asawa ay naging kontrobersyal ang kanilang pagsasama pero mas nadidiin si BQW dahil sa mas matalas ang dila ni Solon… Sa mga susunod na araw ay magsasalita na raw si BQW dahil hindi na nya kayang tiisin ang mga parunggit ni Solon na isa palang bading! Yun na!
WOW ANG SHOWBIZ MAS PINATINDI MAS PINALAKAS
Imbitado po kayo sa pinalakas ng programang WOW ANG SHOWBIZ na hosted by Fernan De Guzman aka. Ms. F. kasama sina Chicha Laff, Edward Balbiran at ng inyong lingkod na si Direk Corie tuwing alas 11 hanggang alas 12 ng umaga everyday sa himpilang DWIZ 88.2 sa inyong mga radio dial.
Sa bagong tandem ng programa ay magkakaroon ng Reporter of the Day segments kung saan makakasama din ang mga batikang entertainment reporters para ibahagi ang pinaka-maiinit na isyu at blind items na nagpapa-init sa Showbiz araw-araw.
Tutok na mga friends and enjoy a morning full of fun and a lot of laughter!

Mahirap din pala ang sobrang Guapo!

RICHARD GUTIERREZ HINDI PINAPAWISAN

Kahit panay ang ‘explore’…
richard gutierez
Corie CristieHINDI ko alam kung dapat ba akong mainis o inggit ang naramdaman ko nang minsan kong mahuli ang replay ng Pinoy Adventures ni Richard Gutierrez sa News TV 11 dahil sa mga stand-ups at spiels ng actor/host ay hindi ko man lang siya nakitang pawisan.
Maganda naman ang episode na napanood ko about the bio-diversity ng mga hayop sa kagubatan ng Pilipinas. Halos tatlong bundok ang kanilang pinuntahan at kinuhanan ng video about the different species na nabubuhay sa ating local forest area.
Pero dahil maulan at masukal ang kagubatan during the shoot, ang ipinagtataka ko ay hindi ko man lang nakitang pawisan o disheveled ang hitsura na Richard na sobra ang guwapo sa mga shots niya.
Hindi tuloy ako naka-relate sa mga kuwento niya dahil hindi ko naramdaman ang effort niya sa kanyang forest adventure.
Parang hindi man lang siya nadumihan o napagod kahit konti. Admittedly, sure akong inilagaan siya ng kanyang make-up artist, cameramen at iba pa niyang entourage during the shoot, pero hindi tuloy ako na-convince na siya nga ang nagpunta sa mga nasabing lugar dahil hindi man lang siya nadungisan. Walang gulo ang buhok at walang pawis kahit man lang sa batok.
Obvious tuloy na kinunan ang lahat ng kanyang kuwento na hiwalay sa kanyang mga spiels! Ang mga voice-over narrations ng binata ay pasado na dahil ang modulation ng kanyang boses ay bagay na sa kanyang subject, sana lang mas ma-convince kami na production na may effort ang binata dahil hindi naman talaga dapat na sobra ang detalye nila sa pagpapa-pogi sa binata na natural naman na ang kaguwapuhan!
Ang trailer ng susunod na episode ay nag-rock climbing si Chard. Still, guwapo pa rin siya sa shot, pero may pawis na kaya alam mong ginawa niya ang sariling stunt. Sana ganoon ang makita parati. Sana mas makatotohanan dahil minsan mahirap din pala ang masyadong guwapo!

Monday, July 23, 2012

VILMA SANTOS HINDI TUMATANDA


CorytiCo
By Corie Criste
“Hindi tayo magma-marunong, tayo ay magmamasid lamang at mag-aabang ng mga bagay na magpapa-asim sa ating panlasa… Asim na magpapa-anghang ng ating pananalita!
Hindi manunuligsa pero siguradong mag-uusisa!” 

VILMA SANTOS 50 YEARS NA SA SHOWBIZ
Super saya kami sa napanood na special tribute ng ASAP para sa 50th Anniversary ni Gov. Vilma Santos. 50 years and she looks not a day older than 30, how she manages to keep her beauty youthful and glowing is a secret all other actresses must discover dahil she must have found the secret to eternal youth!
Kung hindi lang alam ng karamihan na ganoon na katagal sa industriya ang isang Vilma Santos ay hindi mo iisipin na isa na siyang golden girl… her body of work is so impressive and her professionalism as both artists and politician is clearly admirable and commendable.
ASAP should also be acknowledge for taking time to produce a tributary portion for the Star For All Seasons dahil bukod sa puno ang portion ng mga naglalakihang bituin ay very nostalgic din ang kanilang presentation ng mga songs at movie re-enactments ni Ate Vi.
And now Vilma presents “The Healing” for her fans and followers as her 50th Anniversary gift sa tulong ng Star Cinema at ni direk Chito Rono… they claim that we will see a different horror flick in it and I believe it!

NEW DRAMATIC ACTOR PINAG-AAWAYAN NG GIRLFRIEND AT BUSINESS MANAGER
Matatawag ngang isang malaking tagumpay ang hakbang na pagtawid ng isang baguhang actor na matapos tumawid bakod ay biglang napansin ang kakayahan sa pag-arte at nagkaroon pa agad ng best actor award sa isang katatapos lamang na awarding ceremony.
Bigla ang kanyang pag-imbulog sa kasikatan na matagal din niyang inasam dahil sa magandang packaging sa kanya ng bago niyang istasyon.
Pero balitang magulo ang personal na buhay nito ngayon dahil sa pinagtatalunan nila ng kanyang girlfriend na kanyang na-anakan ang limitasyon ng pag-aasikaso sa kanya ng bagong business manager na sobra daw ang personal na pangangalaga sa binatang ama.
Maging ang mga Road Managers daw nga baguhang dramatic actor ay nagrereklamo na rin dahil sa nawawalan na siya ng papel sa alaga, mas nauuna pa raw sa pagtawag sa kanila ang kanilang amo na dapat ay iniuutos lamang sa kanila para lang sa updates ng schedule ni actor.
Magaling si baguhan actor at kitang-kita ang kanyang dedikasyon sa kanyang career dahilan marahil upang pabayaan nya ang super tutok na atensyon sa kanya ni business manager na balitang haling na haling sa kanyang kasalukuyang alaga! Yun na!

KUDOS SA MGA FRIENDS
Super thank you sa mga bagong supplies ng Renew Placenta Soaps and bleaching products from my radio family at Wow Ang Showbiz hosted by Fernan “Ms. F” De Guzman at sa La Estetica ni Dr. Almond Derla sa IL Terrrazo Mall sa T. Morato para sa aking diamond peel sessions.

Sunday, July 22, 2012

PGT Big Winners Nagkaka-Inggitan!


CorytiCo
By Corie Criste
“Hindi tayo magma-marunong, tayo ay magmamasid lamang at mag-aabang ng mga bagay na magpapa-asim sa ating panlasa… Asim na magpapa-anghang ng ating pananalita!
Hindi manunuligsa pero siguradong mag-uusisa!” 

JOVIT AT MARCELINO – NAG-IINRINGAN DAHIL SA INGITAN!
Totoo ba ang nasagap naming na balitang may ingitan na namamagitan sa pagitan ng dalawang Pilipinas Got Talent Grand Winners na sina Jovit Baldevino at Marcelito Pomoy?
Sa kwento-kwento ay nagkaroon daw malaking bangayan sa NAIA ang dalawa bago nagboard and kanilang entourage sa eroplano na naawat lamang ng kasama nila Road Managers at PA.
At pagdating daw sa Los Angeles na kanilang destination ay naulit pa rin ang paringganan ng dalawa na muli’y muntik na naman mauwi sa kanilang sapakan.
Sa samu’t-saring balitaan ay dalawang panig ng kwento ang aming narinig… Sinasabi ng kampo ni Marcelino na masyado daw mayabang itong si Jovit dahil pinipintasan daw nito ang mga gamit ni Marcelino.
Sa kabilang banda ay ito naman ang pahayag… Pikon naman kasi si Marcelino na kahit munting biro ay pinepersonal niya at ikinagagalit, lahat ng lang ng sabihin ni Jovit ay ginagawa niyang isyu laban dito.
Dalawang sides ng istorya ng dalawang winners na nag-abot sa panahon ng tagumpay… mag-ingat sana sila at baka ang iringan nila ay maging dahilan ng paglagapak ng careers!

ENTERTAINMENT REPORTER KABIT O KALARO LANG BA NI NEWS ANCHOR
Naku marami talagang tsismis ang nasasagap naming mula sa aming source sa Macau…
Ang latest nga ay ang balitang nagkita doon sina sikat na Male News Anchor (MNA) sa isang primetime news program at ang Sexy Host (SH) ng Entertainment segment ng show.
Biyudo naman si MNA at dalaga si SH kaya walang problema pero ang distansya ng kanilang idad ay doble at walang magsasabing bagay silang dalawa.
Isa pang tanong kasi ng mga nakakakita ay kung kabit nga ba o kalaro lang ni MNA si SH dahil marami pang ibang lalaki ang nail-link kay SH na medyo isyu din ang hilig sa mga basketball players.
Pero bakit nga ba sumunod sa Macau si SH kay MNA na noon ay nag-iimbestiga sa isang expose tungkol sa mga pasugalan doon kung wala naman daw entertainment beat na dapat niyang i-cover? So sino nga ba ang gumastos sa kanilang secret rendevouz, balitang sinagot daw ang gastos ng mga naghahangad na casino owners na hindi nakapasok sa bidding ng isang malaking entertainment venue dito sa Pinas. 

WOW ANG SHOWBIZ MAS PINATINDI MAS PINALAKAS
Imbitado po kayo sa pinalakas ng programang WOW ANG SHOWBIZ na hosted by Fernan De Guzman aka. Ms. F. kasama sina Chicha Laff, Edward Balbiran at ng inyong lingkod na si Direk Corie tuwing alas 11 hanggang alas 12 ng umaga everyday sa himpilang DWIZ 88.2 sa inyong mga radio dial.
Sa bagong tandem ng programa ay magkakaroon ng Reporter of the Day segments kung saan makakasama din ang mga batikang entertainment reporters para ibahagi ang pinaka-maiinit na isyu at blind items na nagpapa-init sa Showbiz araw-araw.
Tutok na mga friends and enjoy a morning full of fun and a lot of laughter!