BEAUTY QUEEN KASAL PA LANG BATTERED WIFE NA!
Kamakailan lamang ay nagkahiwalay
ang isang solon at ang kanyang Beauty Queen Wife (BQW) at balitang sa mga
susunod na araw ay ilalantad na ng babae ang side nya ng story kung bakit siya
nakipaghiwalay kay lalaki.
Sa mga paunang kwento ay nasabi
ni BQW ay sinabi niyang during the ceremonies pa lamang daw ng kanilang kasal
ay emotionally dampened na siya dahil minunura na siya ni Solon dahil lamang sa
walang kutson ang silya nila sa simbahan… Parang hindi totoo dahil nasa loob
sila ng simbahan at saka araw ng kasal pa lang… kahit naman siguro sinong
lalaki ay hindi ito gagawin sa kanyang partner during the wedding ceremonies di
ba? Pero patutunayan daw ito ng mga friends ni BQW na member ng entourage.
Sa paglipas ng panahon ay
nagkaroon ng dalawang anak ang mag-asawa at dahil sa pagpasok sa politika ni
Solon sa suulsol ng amang papatapos na ang termino ay naging trophy wife naman
si BQW upang buuin ang imahe ng isang masaya at buong pamilya.
Ngayon dahil sa tsismis ng 3rd
party sa pagitan ng mag-asawa ay naging kontrobersyal ang kanilang pagsasama
pero mas nadidiin si BQW dahil sa mas matalas ang dila ni Solon… Sa mga susunod
na araw ay magsasalita na raw si BQW dahil hindi na nya kayang tiisin ang mga
parunggit ni Solon na isa palang bading! Yun na!
WOW ANG SHOWBIZ MAS PINATINDI MAS PINALAKAS
Imbitado po kayo sa pinalakas ng
programang WOW ANG SHOWBIZ na hosted
by Fernan De Guzman aka. Ms. F. kasama sina Chicha Laff, Edward Balbiran
at ng inyong lingkod na si Direk Corie
tuwing alas 11 hanggang alas 12 ng umaga everyday sa himpilang DWIZ 88.2 sa inyong mga radio dial.
Sa bagong tandem ng programa ay
magkakaroon ng Reporter of the Day segments kung saan makakasama din ang mga
batikang entertainment reporters para ibahagi ang pinaka-maiinit na isyu at
blind items na nagpapa-init sa Showbiz araw-araw.
Tutok na mga friends and enjoy a
morning full of fun and a lot of laughter!
No comments:
Post a Comment