CorytiCo
By Corie
Criste
“Hindi
tayo magma-marunong, tayo ay magmamasid lamang at mag-aabang ng mga bagay na
magpapa-asim sa ating panlasa… Asim na magpapa-anghang ng ating pananalita!
Hindi
manunuligsa pero siguradong mag-uusisa!”
JOVIT AT MARCELINO – NAG-IINRINGAN DAHIL SA INGITAN!
Totoo ba ang nasagap naming na
balitang may ingitan na namamagitan sa pagitan ng dalawang Pilipinas Got Talent
Grand Winners na sina Jovit Baldevino at Marcelito Pomoy?
Sa kwento-kwento ay nagkaroon daw
malaking bangayan sa NAIA ang dalawa bago nagboard and kanilang entourage sa
eroplano na naawat lamang ng kasama nila Road Managers at PA.
At pagdating daw sa Los Angeles
na kanilang destination ay naulit pa rin ang paringganan ng dalawa na muli’y
muntik na naman mauwi sa kanilang sapakan.
Sa samu’t-saring balitaan ay
dalawang panig ng kwento ang aming narinig… Sinasabi ng kampo ni Marcelino na
masyado daw mayabang itong si Jovit dahil pinipintasan daw nito ang mga gamit
ni Marcelino.
Sa kabilang banda ay ito naman
ang pahayag… Pikon naman kasi si Marcelino na kahit munting biro ay
pinepersonal niya at ikinagagalit, lahat ng lang ng sabihin ni Jovit ay
ginagawa niyang isyu laban dito.
Dalawang sides ng istorya ng
dalawang winners na nag-abot sa panahon ng tagumpay… mag-ingat sana sila at
baka ang iringan nila ay maging dahilan ng paglagapak ng careers!
ENTERTAINMENT REPORTER KABIT O KALARO LANG BA NI NEWS ANCHOR
Naku marami talagang tsismis ang
nasasagap naming mula sa aming source sa Macau…
Ang latest nga ay ang balitang
nagkita doon sina sikat na Male News Anchor (MNA) sa isang primetime news
program at ang Sexy Host (SH) ng Entertainment segment ng show.
Biyudo naman si MNA at dalaga si
SH kaya walang problema pero ang distansya ng kanilang idad ay doble at walang
magsasabing bagay silang dalawa.
Isa pang tanong kasi ng mga
nakakakita ay kung kabit nga ba o kalaro lang ni MNA si SH dahil marami pang
ibang lalaki ang nail-link kay SH na medyo isyu din ang hilig sa mga basketball
players.
Pero bakit nga ba sumunod sa
Macau si SH kay MNA na noon ay nag-iimbestiga sa isang expose tungkol sa mga
pasugalan doon kung wala naman daw entertainment beat na dapat niyang i-cover?
So sino nga ba ang gumastos sa kanilang secret rendevouz, balitang sinagot daw
ang gastos ng mga naghahangad na casino owners na hindi nakapasok sa bidding ng
isang malaking entertainment venue dito sa Pinas.
WOW ANG SHOWBIZ MAS PINATINDI MAS PINALAKAS
Imbitado po kayo sa pinalakas ng
programang WOW ANG SHOWBIZ na hosted
by Fernan De Guzman aka. Ms. F. kasama sina Chicha Laff, Edward Balbiran
at ng inyong lingkod na si Direk Corie
tuwing alas 11 hanggang alas 12 ng umaga everyday sa himpilang DWIZ 88.2 sa inyong mga radio dial.
Sa bagong tandem ng programa ay
magkakaroon ng Reporter of the Day segments kung saan makakasama din ang mga
batikang entertainment reporters para ibahagi ang pinaka-maiinit na isyu at
blind items na nagpapa-init sa Showbiz araw-araw.
Tutok na mga friends and enjoy a
morning full of fun and a lot of laughter!
No comments:
Post a Comment