Monday, June 25, 2012

I am starting the day with an optimistic eye... it will be productive, it will be fun, it will be safe and most of all it will be in GOD's  protective comfort...

I am a child of GOD and I will walk in GOD's direction... I am ONE with my FAITH!

Sunday, June 24, 2012

MACHO ACTOR NUNG 90s TRANSGENDER NA SA AMERIKA!

Corie CristieNAKAKABALIW ang kuwentong nasagap namin sa mga kaibigan abroad, dahil ang dati naming crush na macho actor ng dekada 90 ay bumigay na rin daw in the image of BB Gandanghari! Yes, mga friends, isa na rin siyang transgender.

Okay here are some of his recall to fame: Dati siyang sexy actor na pinagpapantasyahan ng mga beki at girls. Nakagawa rin siya ng mahigit sampung pelikula at nagbida sa ilan dito.

Kasabayan siya ng isa pang sexy actor na hanggang ngayon ay active pa. Naku, tumulo ang laway ng maraming girls sa mga pictorial niyang hubad at ang tanging takip ng kanyang kargada ay isang malaking anaconda.

Sa tsismis ng aming mga informants sa Gay Pride sa US, talaga raw naman hindi nagpatalbog ang dating sexy actor sa mga bekis doon dahil dala pa rin ang anaconda, pero this time ang projection na niya ay isang sexy starlet.

Talbog si BB Gandanghari dahil lumalaban daw ito ng hubaran hanggang sa mga kalye ng Amerika! Kaya ba ni BB iyon?

Clue: Naku, wala na siya sa circulation at sa ‘P.H. ngayon!

KAHON-KAHON NA PIZZA PIE TINIRA NI REPORTER AT NANAY NI BOKAL!

Corie CristieKATATAPOS pa lamang ng handaang ito kamakailan celebrating the birthday of a prominent political daughter. Sa naturang party, dalawang bisita ang nagmistulang “hakot queens”, isang gay reporter at ang nanay ng isang starlet na bocal ngayon sa isang province.

‘Yung gay reporter, kasama pa ang kanyang dyowa na naghakot ng kahon-kahon na pizza na supposedly ay isa sa maraming inihanda sa party. ‘Yung mahaderang ina naman ng starlet, ultimong mga dekorasyon sa party ay iniuwi.

Panay pa ang pakuha nila ng pictures sa isa pa rin reporter na hindi siguro makatanggi sa kanilang pakiusap. Ang siste, hindi nila naisip na nakuhanan sila sa digital camera ng kapwa reporter na ngayon ay maaaring gawing pruweba sa kagaspangan ng ugali nila.

May mga hawak kasi silang mga items ng kinurakot nila na nasa memory bank ng camera ng reporter na ayaw ngayon i-delete ang mga pictures. Para siguro pang-blackmail sa kanila kapag nag-inarte at nagdenay sila!

Friday, June 22, 2012

AND THE WORST DRESS OF THE NIGHT….

Icons at the arenaCorie CristieKAHAPON ay ikinuwento ko ang tungkol sa mga performances ng mga OPM artists sa Icons at the Arena, ngayon naman ay bigyang pansin naman natin ang technical na bahagi ng show.
Simulan natin sa venue, ang SM Arena, obvious na ang balak na tapatan ng lugar na ito ay ang Smart Araneta Coliseum. Sa buong paligid ng SM Arena ay nakapalibot ang mga banners ng Globe, making it the SM Globe Arena.
We commend the acoustics of the place. Maganda ang sounds, buung-buo dahil sa balot ng mga sound conducive panels ang buong venue. Not once ko narinig na nag-falter ang sound system during the show, hence maganda rin ang set-up ng audio crew.
The venue can accommodate 16,000 people seating for concerts dahil may stage element, and 20,000 people seating kung sports events, kasi 360 degrees ang seating coverage.
Restrooms were spacious and clean and lifts and escalators were new and accessible. Seating was comfortable and snack bars are all over and budget friendly.
The video coverage with mapping provisions is also very commendable despite the time delay ng live performance sa video throw. Overall, the video and the lighting effects of the Videosonic Team complimented the live show.
It was the stage design that was a little off and disappointing since it was not visually inspiring and a little drab for our taste. Sabi nga ng mga kasama kong manunulat, ang cheap ng stage design, parang hindi pinaghandaan.
Overall, Icons at the Arena was a good show meeting the demands of the producers to sell the ‘Arena’ to future producers and event organizers. It is indeed a good concert venue.
-oOo-
Pokwang Jose Wally
THE colors of the wardrobe were dominantly red and gold. Nothing special with the gowns of all the performers. In fact, the simple yellow gown of Rachel Alejandro stole our attention because it was the simplest yet with the biggest impact!
Si Lea Salonga, parang Nazareno ang colors, it did not flatter her at all. Regine Velasquez on the other hand, though was wearing a not too beautiful gown but it was good for her figure, it made her look slimmer.
Si Vernie Varga, sexy sa mga gowns niya, pero hindi naitago ang puson na nagmumura on stage. Worst dress si Juris dahil nagmukha siyang matanda, at ang hair niya, please idemanda niya ang gumawa!
Sa guys, Christian Bautista looks so sexy, parang lumaki ang puwet niya, sarap pindutin. Piolo Pascual, of course, is clean and dapper. Richard Poon needs a change of stylist kung meron man, he looks out of place in his wardrobe. If he thinks he looked good in his outfit, he better get a second and third opinion.
Martin Nievera’s suit made him look so big on stage. Wally Bayola and Jose Manalo looked best in their ensemble, mukha silang mamahalin!
The ABS-CBN Philharmonic despite of being very good musicians seemed very casual for a formal show. Technicolor ang mga suot nila. But they are really good. I wonder if they will be exclusive to ABS-CBN shows?

Wednesday, June 20, 2012

ICONS AT THE ARENA… PROMO NA MAY BAYAD?!

ICONS AT THE ARENA
Corie CristieSUPER successful ang katatapos lamang na Icons At The Arena show sa SM Arena, sa MOA, last Saturday kunsaan pinagsamasama ang mga malalaking bituin ng music industry at OPM stars.

Maganda ang pagkakahabi ng programa dahil sa dalawa’t kalahating oras ng palabas ay hindi kami nainip at higit sa lahat ay may pakiramdam pa na bitin dahil hindi namin naramdaman ang oras at gusto pa namin ng mas marami pa sanang awitan.

Hosted by Pops Fernandez and Jim Paredes, mabilis ang takbo ng programa sa kabila ng mahigit sa 20 performers na naging bahagi ng show. The Company and Christian Bautista opened the show with songs written by Jose Mari Chan that has been playing in the airwaves for more than 40 years.
Pagpapatunay lamang na ang OPM ay hindi kailangan maging Tagalog. And then the icon Jose Mari joined his singers on stage to the delight of his more mature audience.

Ang Diva Medley nina Rachel Alejandro, Vernie Varga at Dulce ang pinakafavorite ko dahil sa kabila ng birit ng tatlong divas ay maganda ang combination ng kanilang tinig. Malakas ang palakpakan para sa nag-iisang Dulce!

Solo at isang awit lamang si Freddie Aguilar pero sapat na ‘yon para maramdaman ng Pinoy audience kung ano talaga ang mensahe ng isang mapusong awitin. Ano pa nga ba kundi ang ‘Anak’.

Sumunod ang mga Kapamilya drama theme songs na isinulat ni Ogie Alcasid. Performed by Richard Poon, Juris, Jed Madela and Piolo Pascual na talaga rin namang nakipagsabayan sa birit sa mga singers niyang kasama sa stage.

Sumunod na rin sa stage sina Ogie at si Regine Velasquez, they sang three duets. Pumayat na nang konti si Regine, kaya seksi na naman siya in her red gown.

Hindi naman nabigo ang  mga audience sa expected comic treat ng trio nina Pokwang, Jose Manalo at Wally Bayola, riot ang bahaging ito with Pokwang doing her famous Mommy Dionisia spoofs and Jose and Wally doing their Martin and Gary ‘As One’ spoof.

Bamboo and the G-Force showed the viewers that rock music can be danced and at the same time makabayan pa rin!

Sinundan ito ng international level performances ng nag-iisang Pinoy Tony award winner na si Leah Salonga kasama ang nag-iisa ring Pinoy international soloist ng Journey na si Arnel Pineda. This one is a real treat dahil two international singers in one stage in a duet in a night of Stars. Leah‘ voice despite the crispness and clarity was upstage by the solid  performance of Arnel.

Erik Santos and Martin Nievera joined Basil Valdez on stage singing ballads of George Canseco, Willy Cruz and Ryan Cayabyab. But it was obvious that Basil’s voice got lost in the powerful tenor of Erik who was obviously belting it higher to cover the loss of Basil’s voice in some portions of their number.

Gary Valenciano was not personally present in the show but his number in video was the final song of the night dahil it was written and dedicated to the Mall Messiah Mr. Henry Sy who was present to witness the grand opening of The SM Arena.

The curtain call has all the performers on stage singing ‘The Impossible Dream’ probably requested by the old man but noted were the absence of Ka Freddie and Pokwang, Ogie and Regine, Wally and Jose, in the lineup. The Kapuso Stars obviously declined to be part of this number dahil sa Kapamilya station ito ipapalabas.

Musical direction by Ryan Cayabyab with the  ABS-CBN Philharmonic na binuo ni Gerald Salonga and direction by Johnny Manahan.

In the end lumabas na promo ng SM Arena ang show, pero bakit may bayad ang entrance kung for publicity pala ito?

Tuesday, June 19, 2012

VICE GANDA DISMAYADO KAY KEITH THOMPSON

Ano itong nasagap naming balita na hindi na ie-ere ang portion ni Keith Thompson ng PBB Teen Edition sa show na Gandang Gabi Vice dahil nawalan ng gana si Vice at ang mga staff ng show ng matapos ang taping ng episode na kasama ang pasaway na binatilyo sa loob ng bahay ni Kuya?

Ito daw ay dahil sa walang napiga si Vice sa binatilyo at talaga naman daw naging boring ang portion ni Keith sa show. Kahit anong bato daw ng biro o interesting na tanong ni Vice sa Teen Cast Away ay “Po at Opo” lang ang sagot nito at walang kalaman-laman ang mga binitiwang paliwanag nito.

Hindi ba’t kaya nga naging very prominent ang personalidad ni Kit Tangkad sa bahay ni Kuya ay dahil sa walang habas nitong pananalita na walang sinasanto mapa-babae man o lalake? Hindi ba’t sa anim na nomination nights na nasa loob sya ng bahay ay minsan lang siyang hindi nanganib at limang beses siyang ibinoto ng mga housemates dahil sa talas ng dila at walang pakielam na attitude niya?


Bakit biglang naging boring daw siya sa interview with Vice, nagpa-cute at wala daw talagang naging kwenta ang portion niya sa GGV kaya minabuti na lang ng staff na i-edit ito sa final cut para hindi masayang ang oras nila at the same ay mailigtas ang image ni Kit sa TV Audience.

Ay naku… mahirap ang sobrang guapo pero puro arte… nasa labas na siya ng bahay dapat mas totoo na siya dahil hindi sya aasenso kung puro pa-cute lang ang gagawin nya! Alam nyo ba na hindi sya napansin sa Tween Hearts ng GMA 7 kahit stand-out ang beauty niya? 


Ito nga kaya ay dahil sa mahina ang personalidad nya sa totoong buhay at front lang nya ang pagkamadaldal sa PBB Teen Edition na sinalihan nya?
SINGER NAGLAWAY KAY HUNK ON STAGE

Hindi nya maikakaila kung papangalanan naming ang isyung naglaway siya on stage sa isang hunk actor…
Sabi ng aming mga kaibigan bekilicious, kitang-kita daw nila kung paano nanlalaki at tutok na tutok sa bukol ng nota ni Hunk Actor ang mga mata ni pamintang singer sa Live show nilang napanood sa isang kakabukas na concert arena kamakailan.

Kasi’y magkasama daw sa production number itong si singer at hunk actor at sa mga bahaging si hunk lang ang kumakanta ay nagpapasasa daw ang mata ni singer sa bukol ng tila galit na ari ng actor ng mga oras na iyon.

Marahil ay naiihi na si hunk ng mga oras na iyon kaya naman naninigas ang kanyang manoy… sinundan di-umano ng mga baklita ang direksyon ng mata ni singer na noon ay napansin nilang nakatutok sa ibang dako. Kitang-kita daw nila na halos tumulo ang laway at napalunok si singer na makita ang matigas na harapan ni hunk during the show.


Gusto nga raw batuhin ng panyo ng mga beki si singer dahil kulang na lang daw talaga na malaglag ang laway nito sa nakabukang mga labi ng oras na iyon… na-confirm tuloy ng mga beki na bading si singer na dati ay type nila dahil sa crooner voice nito. Si Hunk naman kasi papatigas lang sa stage pa!

Monday, June 18, 2012

Done with my NOLI FILI outline ...

Ready for the writing stage ... Edith Asuncion hold your horses cause you will be my co-director and officially the acting coach of the actors... hahaha, am so excited to work with you again my dear Edith!!!

Sunday, June 17, 2012

 Goodbye Butchoy!

Butchoy is leaving the country with tail winds that dictated folks like me to personally suspend classes for our own kids,,, the streets as usual were flooded and the rain is immensely causing traffic, so why bother putting the kids to such trouble, better keep them safe and sound at home!

Sounds like more TV time for Alyanna and AJ... and it is supposed to be the very first day of regular classes after the initial orientation week last week!
LARUAN’ NG BILYONARYONG BADING SI AKTOR?!
Posted on June 18, 2012 by Pssst!

Corie Cristie

ALAM namin na masipag at masinop sa buhay ang magaling na aktor. He matured to be a very good lead and character actor but his passion is obviously cooking. His paycheck afforded him a hole in the wall rice box business for sometime but his success in the food industry went a long way.

He now owns several dining restos in the Metro, and we wonder: Kaya ba talaga niya na magkaroon ng ganoon kadaming resto sa mga sikat na mall all at the same time?

Don’t get us wrong but we admire him, and for that matter feel very proud of his accomplishment. Then we unearthed a very enlightening story behind his many investments.

He has been and remains to be the boytoy of a very prominent but discreet gay business tycoon. ‘Ayun na, nawala na ang aming mga katanungan tungkol sa isyu ng kanyang mga puhunan sa negosyo. Nasagot na rin namin kung sino ang financier sa kanyang mga malalaking business ventures.

Para naman palang nakasandal sa pader ang actor dahil ang kanyang lover ay isang bilyonaryo at hindi milyonaryo lang!

‘Yun na!
JOHN RENDEZ HINDI SUPORTADO NG MGA FANS NI NORA AUNOR

Ang tanong, kalian nga ba sumikat itong si John Rendez? Sumikat nga ba siya dahil sa pagkanta, pag-arte o intriga?
Sa aming pagkakaalam ay hindi naman siya sumikat sa kahit na anong larangan dahil kapos ito sa talent at kahit noong kabataan nya na masasabing kagwapuhan niya ay hindi naman siya nabigyan ng break upang sumikat nang husto.
Pero bakit nga ba kilala ang kanyang pangalan… dahil sa nadikit siya sa pangalan ng nag-iisang super star na si Nora Aunor. Naging dyowa ni La Aunor at laging nababanggit ang kanyang name sa tuwing napag-uusapan ang Superstar.
Ang kaso hindi kailanman naging pabor sa kanya ang mga isyu linking him to her, dahil namarkahan naman siyang TH, User, Boytoy at Leach. Hanggang sa Amerika ay kasama sya ni Guy sa gulo at intriga… So paano nga ba sisikat ang isang taong mas kinilala bilang kasama ni Nora Aunor?
Ngayon balik Pinas si Aunor, balik bayan din si Rendez at ang unang balita… nagka-inisan daw si La Aunor at isang lady manager na asawa ng isang record producer dahil sa paghingi ng tulong ni Guy para kay John Rendez upang makabalik di umano ito sa recording.
Ang tanong… kalian din ba matututo itong si Aunor na hindi kailanman sisikat ang hindi naman nalaos na si John Rendez dahil hindi naman ito sumikat at all! Bakit kailangan itaya pa ni Aunor ang nalalabi niyang baraha sa isang matanda na rin naman talent na hindi naman talaga suportado kahit ng sarili niyang mga Noranians?

Saturday, June 16, 2012

A FATHER'S PRAYER

A FATHER'S PRAYER

3 years ago... I wrote a short message imparting my experience as a Father By Chance... now I write on the same note with a different question in mind...

Am I the Father that I wish I am?

Alyanna my eldest is now 14 and Alfel John is now 9, they are all grown and definitely more vocal with their thoughts... Their question no longer linger on the what and what if's... They now shifted to why and why nots'?

My answers are no longer confined to pretty images for the kids to conjure during their dream time but to the because and technical diplomacy explaining with chosen words the definition of Reality

The daily grind...from television and internet censorship, to house chores and why they need to participate in it, to school assignments that I myself have forgotten after mastering it during my elementary and secondary years. To crushes that crashes a father's indignation. From too much to enough and yet still melting when their eyes drop down conjuring tears that can drip down anytime as if emotionally blackmailing my ever so vulnerable heart.

I dream of this day when I no longer use baby talk to them but I miss those days when the no nonsense makes sense like the kuchi-kutchi coo... com ta dada.... mumu  and hala lagot were part of daily dilly dally chatter.

Now it makes sense that the nonsense was more fun and bonding was not limited to talking but by hugs and kisses without the embarrassing discomfort of hitting your young girl and boy in their uuhh uncomfortable areas.

How can I continue to be the father that I wish I can be to them when they have already find private places in their corners with their gadgets between us?

How can I still penetrate their sanctuaries when they have chosen friends to share their secrets with?

How can I take their mind off their activities when I can no longer participate in their seemingly tedious flare for games & athletics?

Well ... I try hard ... I listen to their music secretly despising it probably the same way my folks felt back then. I learn their language and use lol, xoxo, & w8  while my mom probably hated my oks and pards in the 70's and became tecki using IPods,  tablets, netbooks etc...etc.. . just to be updated in their comfort zones. 

But still I wonder ,,, Am I doing a good job? Am I doing the right job? Am I what I wish to be?

Ahhh... today is Father's Day and today I have a prayer and a wish at the same time...

I cannot guarantee that I am a better father than my own dad but I wish that I can be the FATHER THAT MY KIDS WANT ME TO BE and not the father that I want to be  for my kids!


Thursday, June 14, 2012

GELLI DE BELEN SA FACE TO FACE

YES mga ka-PSSSt… si Gelli De Belen na nga ang ating makakasama sa mga susunod na buwan sa programang Face To Face ng Kapatid Network dahil kinakailangan magpahinga ng host na si Amy Perez hanngang sa December of this year, buwan na balitang pagsisilang nya ng kanyang ikalawang baby.
YES ulit..buntis nga si Mareng Amy kaya naman nagtaping na siya ng ilang episodes na pondo habang kaya pa nya ang magtrabaho at sa pagdating ng araw ng kanyang leave ay si Gelay na nga ang pansamantalang hahalili sa kanya bilang host ng F2F.
It will be a big shoes to fill para kay Gelli dahil despite the format of F2F ay parang mina-mani lang ni Amy ang trabaho at tiyak na kakailanganin ni Gelli na mapantayan kung hindi man mahigitan pa ang style ni Amay.
Considering na babaing bading din naman itong si Gelli, baka naman maging madali sa kanya ang assignment na ito kasi ay kaya din naman talagang magpakamasa ng asawa ni Ariel. Hmmmppp yun na!


ATTY. PERCIDA ACOSTA PAHINGA MUNA SA SHOWBIZ
Nakausap naming kamakailan ang very cool at fresh from vacation na Public Attorney ng bayan na si Atty. Percida Acosta at naibalita nya sa amin na pansamatala muna siyang magpapahinga sa showbiz total ay nakapag-pondo naman na daw siya ng ilang episodes para sa kanyang show na inilipat na sa Aksyon TV.
Hindi man aminin ni Atty. Acosta ay basa namin sa kanyang tono na slighted siya o sumama ang loob nya sa pagkakalipat ng kanyang programa sa cable station lamang despite the good ratings and review it is getting sa Kapatid Network.
Kaya sa panahon na hindi sya haharap sa kamera ay pagbubuhusan daw nya ng panahon ang kanyang Doctorate studies.
Maalalang sa kanyang panahon ay number 4 Bar Topnotcher si Atty. kaya naman hindi na kami magtataka kung after ng kanyang PHD ay tawagin na rin siyang Doktor Atty… o laban ka pa ba Raffy T.?

BEAUTY QUEEN BUHAY REYNA KAY PRODUCER PROVIDER
Naloka kami sa nasagap naming information tungkol sa isang beauty queen na buhay reyna ngayon dahil well provided siya ng kanyang producer lover.
Ang mas nakakaloka ay ng malaman namin na ang kanyang tatlong anak sa dating asawa na isang model ay hindi pala biological children ng nasabing lalaki kundi mga anak ng kanyang producer provider!
Kahit pala noon pang nagsasama ang dalawa ay lover na ni Beauty Queen si Producer at siya ang ama ng kanyang tatlong anak.
Huli na malaman ni model na hindi sa kanya ang mga batang binigyan niya ng apelyido kundi sa kinikilala niyang kaibigan at ninong-ninongan!
Asus sa galing mag-make-up ni beauty queen hindi na kami magtataka kung bakit kay galing din niyang magtago ng mga flaws sa kanyang life story.
MGA PANGIT NA LUGAR SA PINAS NAPAGANDA SA ‘THE BOURNE LEGACY’
Posted on June 6, 2012 by Pssst!

bourne legacy

BAKIT kaya sa pelikulang Bourne Legacy 3 ay naipakita ang mga kalsada, eskinita, pantalan at mga tanawin dito sa atin na para bang napakaganda kahit napakasikip at madumi ang mga lugar na ito sa ating bansa?

“You people were given a Ferrari and you treat it like a lawn mower!” ito ang isa sa mga catch praises sa pelikulang pinagbibidahan nina Jeremy Renner, Rachel Weisz at Edward Norton sa direction ni Tony Gilroy.

Kinunan ang malaking bahagi ng pelikula dito sa atin na talaga namang pinagmulan ng mahabang panahon ng traffic, pero sa panonood ko ng trailer pa lamang ng nasabing movie ay sulit na sulit na ang traffic na idinulot nila sa kalakhang Maynila.

May isang eksena na kinailangan ni Jeremy na lumundag mula sa isang bubong na ang kanyang babagsakan ay isa lamang eskinita na kasya lamang ay isang tao, talaga namang nagpaaktibo sa aking imahinasyon sa pagiisip kung paano nila nagawa ‘yon at kung paano nila naisip ‘yon?

Ang galing ng mga motorcycle chase scene at ang eksena na makikitang tinatawid ni Jeremy ang mga bubungan na ang foreground ay ang sala-salabat na cable ng Meralco at PLDT. Grabe ang galing ng mga mata ng kanilang cinematographers.

Nakakahanga talaga, kaya dapat natin itong abangan at panoorin.
SWEETNESS NINA MALE SINGER AT NEWBIE ACTOR BUKING SA ABROAD!
Posted on June 11, 2012 by Pssst!

Naispatan daw kamakailan sa Macau ang lihim na relasyon at sweetness ng isang sikat at questionable na male singing champion at isang baguhan at guwapong member ng all-male group.

Ang champion ay na-link na rin sa isang sexy bombshell, pero sa kabila ng kanilang pag-amin sa kanilang relasyon ay pinagdudahan ang katotohanan nito dahil sa mas matindi ang isyung kabadingan ng singing champ.

Samantala, ang kanyang napapabalitang kulakadidang ay minsan na ring sumali sa isang reality game show at nakapasok naman bilang finalist, pero talunan, dahil ang puhunan nito ay ang kaguwapuhan lang talaga at hindi ang kanyang tinig.

Last summer, hindi na raw yata nakapagpigil ang dalawa sa gigil sa isa’t isa kaya public display of affection ang walang kiyeme nilang pagwo-walk in the streets of Macau hand in hand.

Super sweet daw ang singing champ sa mestiso hunk singer wannabe. At super generous din daw ito dahil talagang buy kung buy ng kung anik-anik ang bading kay papalicious niyang ka-date!

Mark my word, Eric B., this is no tsismis!

This is confirmed ng mga Pinoy baklesh sa Macau at hindi dapat idenay!
PINOY HUNK DYOWA NA SI THAI ACTOR?!
Posted on June 14, 2012 by Pssst!

Corie Cristie

HINDI naman papahuli sa kasosyalan at kabonggahan ang number one Pinoy hunk actor na ito sa ibang mga tsismis of the season dahil isang super guwapo’t sexy young hot male Thai actor-slash-model ang kanyang… dyowa!

Yes, dyowa as in dyowa talaga! Nagsawa na rin siguro sa mga isyu sa kanyang kesyo kalandian ni ganitong actor, ka-dyug ni ganitong Pinoy sexy hunk at nakita siya kuni-kuning sa mga hotel na kasama si Singer 1, 2 or 3, kaya para mas masarap ang susunod na isyu sa kanya, he went international na sa panghahada.

Si Pinoy Hunk ay still the most eligible bachelors around while his present boy toy is a very famous Thai actor-slash-model na talaga rin naman napaka-delicious at super coveted for endorsements and magazine covers.

Nagkakilala sila sa pamamagitan ng kanilang mother studio dahil may movie si Thai actor dito sa atin at hindi naglaon ay nagkrus ang kanilang landas ni Pinoy Hunk. Sparks flew and magnetic poles attract.

May tsismis din kasi na berdadero din ang blood line ni Thai cutee. Asus, walang inaksayang panahon si Pinoy Hunk at sa bawat international gigs daw nito kamakailan ay kasunod, pero palihim, na namamataang naroon na rin si Thai actor in a few days or hours.

Yes, super generous, from plane tickets, separate but connecting 5-star suites at room service-to-the-max lang daw ang dalawa.

A fantasy love affair na pampelikula, pero kaya nilang tustusan ang kanilang mga sexcapades dahil pareho silang super sikat na mga male celebrities sa kanilang mga bansa!

‘Kakaloka dahil kapag nilagyan namin ng clue ito baka mademanda pa kami at maipatapon sa Bangkok!
GA Y COMEDIAN BUKING ANG PANG HAHADA SA MOTEL!
Posted on June 15, 2012 by Pssst!

Corie Cristie

NAKU, hindi rin maikakaila ng magaling at sikat na stand-up comic na nahuli sila ng isang newbie model/actor na nagtse-check-in sa Sogo, sa Roces last Monday night (June 11)!

Paano niya idedenay ang kanilang pagtatagpo ng model/actor sa motel ganoong kitang-kita sila ng isang director/writer at isang reporter/radio anchor na kasalukuyang nagkakape that time sa katabing donut hang-out ng mga press people.

Ang drama pa ng dalawa, unang pumasok ang hombre sa donut shop at saka dumiretso sa adjacent door ng Sogo, siyempre, makakaligtas ba sa paningin ng director at reporter ang ganoong kaguwapo at kapamilyar na lalaki? Hindi! ‘Di ba?

Wala pang isang minute ay kasunod na pumapasok sa donut house ang sikat na comedian na namutla na lamang ng makita ang mga pamilyar na mukha ng kasama sa industriya. Siyempre, beso-beso at chikachika bago siya pasimpleng sumenyas na papasok din siya sa motel via the donut house door.

Hindi nakatiis ang direktor at reporter, kaya tinukso nila ang comedian na wala nang nagawa kundi umamin na siya ang kasama ng model/actor na naunang pumasok sa motel.

Ang hindi inaasahan ng comedian ay imbes na panlalait at panunukso ang maririnig niya sa dalawang press friends, ito ang kanilang sinabi sa kanya: “Congratulations, ateng, ang guwapo-guwapo talaga ng date mo! Go! Go! Go! Hada na at good luck!”

Kaya nakangiti at comfortable na pumasok ang bading sa motel to eat his date!

Ang tanong: Dyowa ba niya ito o hada lang? Kung hada lang, magkano kaya ang present rate ng model/actor ngayong hindi pa siya sikat?
SI KAT NA AKTRES OA KUNG MAKAPAG-DEMAND?!
Posted on June 15, 2012 by Pssst!

Corie CristieKILALA ng aktres na ito kung sino siya kapag nabasa niya ang artikulong ito. Minsan niyang hiningan ng pabor ang isang lady talent manager at recording executive kamakailan upang tulungan ang kanyang partner na singer upang makabalik sa entertainment industry.

Sa kasamaang palad ay medyo hindi siya makakuha ng confirmation sa date na hinihingi niya sa lady manager dahil sa galing ito sa cataract operation at nagpapagaling sa kanyang angioplasty surgery.

Pero dahil sikat at maimpluwensya naman si Aktres ay nagbitaw ang lady manager na magpapasama ito sa kanyang asawa sa meeting with her and her singer partner, pero hindi lang makapagbigay ng exact date ang kausap dahil kailangan niyang may kasama sa pagbiyahe. Kailangan din niyang malaman kung kailan free ang kanyang mister.

Medyo naiinis yata si Aktres dahil hindi nararamdaman ni Lady Manager ang urgency ng kanyang pakiusap, kaya bigla itong nagpadala ng text sa huli na ganito ang nilalaman: “Huwag na po di bale na lang… nasimulan na ng malas … mamalasin na ang project na ito hanggang sa huli!”

Mensaheng ikinasama ng loob ng lady manager na wala naman masamang intensyon sa pagkakaantala ng kanyang pagkikipagkita sa aktres at sa kanyang singer/ partner.

Sa huli ay nalaman ng aktres ang health concerns ng lady manager at nagpadala siya ulit ng mensahe na humihingi ng dispensa. Pero ‘ika nga ng kasabihan: “The damage has been done!” na-offend na niya ang kaibigan na ngayon ay tuluyan na sigurong nawalan ng ganang tulungan ang “laos” na niyang singer/partner!

Kasi naman si Aktres, demanding pa rin kahit wala nang box-office appeal at hindi na nagre-rate ang mga shows despite the promos and skyrocketing publicity budget!