Thursday, June 14, 2012

MGA PANGIT NA LUGAR SA PINAS NAPAGANDA SA ‘THE BOURNE LEGACY’
Posted on June 6, 2012 by Pssst!

bourne legacy

BAKIT kaya sa pelikulang Bourne Legacy 3 ay naipakita ang mga kalsada, eskinita, pantalan at mga tanawin dito sa atin na para bang napakaganda kahit napakasikip at madumi ang mga lugar na ito sa ating bansa?

“You people were given a Ferrari and you treat it like a lawn mower!” ito ang isa sa mga catch praises sa pelikulang pinagbibidahan nina Jeremy Renner, Rachel Weisz at Edward Norton sa direction ni Tony Gilroy.

Kinunan ang malaking bahagi ng pelikula dito sa atin na talaga namang pinagmulan ng mahabang panahon ng traffic, pero sa panonood ko ng trailer pa lamang ng nasabing movie ay sulit na sulit na ang traffic na idinulot nila sa kalakhang Maynila.

May isang eksena na kinailangan ni Jeremy na lumundag mula sa isang bubong na ang kanyang babagsakan ay isa lamang eskinita na kasya lamang ay isang tao, talaga namang nagpaaktibo sa aking imahinasyon sa pagiisip kung paano nila nagawa ‘yon at kung paano nila naisip ‘yon?

Ang galing ng mga motorcycle chase scene at ang eksena na makikitang tinatawid ni Jeremy ang mga bubungan na ang foreground ay ang sala-salabat na cable ng Meralco at PLDT. Grabe ang galing ng mga mata ng kanilang cinematographers.

Nakakahanga talaga, kaya dapat natin itong abangan at panoorin.

No comments:

Post a Comment