SI KAT NA AKTRES OA KUNG MAKAPAG-DEMAND?!
Posted on June 15, 2012 by Pssst!
Corie CristieKILALA ng aktres na ito kung sino siya kapag nabasa niya
ang artikulong ito. Minsan niyang hiningan ng pabor ang isang lady
talent manager at recording executive kamakailan upang tulungan ang
kanyang partner na singer upang makabalik sa entertainment industry.
Sa kasamaang palad ay medyo hindi siya makakuha
ng confirmation sa date na hinihingi niya sa lady manager dahil sa
galing ito sa cataract operation at nagpapagaling sa kanyang angioplasty
surgery.
Pero dahil sikat at maimpluwensya naman si Aktres ay
nagbitaw ang lady manager na magpapasama ito sa kanyang asawa sa meeting
with her and her singer partner, pero hindi lang makapagbigay ng exact
date ang kausap dahil kailangan niyang may kasama sa pagbiyahe.
Kailangan din niyang malaman kung kailan free ang kanyang mister.
Medyo naiinis yata si Aktres dahil hindi nararamdaman ni Lady Manager
ang urgency ng kanyang pakiusap, kaya bigla itong nagpadala ng text sa
huli na ganito ang nilalaman: “Huwag na po di bale na lang… nasimulan na
ng malas … mamalasin na ang project na ito hanggang sa huli!”
Mensaheng ikinasama ng loob ng lady manager na wala naman masamang
intensyon sa pagkakaantala ng kanyang pagkikipagkita sa aktres at sa
kanyang singer/ partner.
Sa huli ay nalaman ng aktres ang
health concerns ng lady manager at nagpadala siya ulit ng mensahe na
humihingi ng dispensa. Pero ‘ika nga ng kasabihan: “The damage has been
done!” na-offend na niya ang kaibigan na ngayon ay tuluyan na sigurong
nawalan ng ganang tulungan ang “laos” na niyang singer/partner!
Kasi naman si Aktres, demanding pa rin kahit wala nang box-office
appeal at hindi na nagre-rate ang mga shows despite the promos and
skyrocketing publicity budget!
Thursday, June 14, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment