GELLI DE BELEN SA FACE TO FACE
YES mga ka-PSSSt… si Gelli De Belen
na nga ang ating makakasama sa mga susunod na buwan sa programang Face
To Face ng Kapatid Network dahil kinakailangan magpahinga ng host na si
Amy Perez hanngang sa December of this year, buwan na balitang
pagsisilang nya ng kanyang ikalawang baby.
YES ulit..buntis nga si Mareng Amy kaya naman nagtaping na siya ng ilang episodes na
pondo habang kaya pa nya ang magtrabaho at sa pagdating ng araw ng
kanyang leave ay si Gelay na nga ang pansamantalang hahalili sa kanya
bilang host ng F2F.
It will be a big shoes to fill para kay Gelli
dahil despite the format of F2F ay parang mina-mani lang ni Amy ang
trabaho at tiyak na kakailanganin ni Gelli na mapantayan kung hindi man
mahigitan pa ang style ni Amay.
Considering na babaing bading din
naman itong si Gelli, baka naman maging madali sa kanya ang assignment
na ito kasi ay kaya din naman talagang magpakamasa ng asawa ni Ariel.
Hmmmppp yun na!
ATTY. PERCIDA ACOSTA PAHINGA MUNA SA SHOWBIZ
Nakausap naming kamakailan ang very cool at fresh from vacation na
Public Attorney ng bayan na si Atty. Percida Acosta at naibalita nya sa
amin na pansamatala muna siyang magpapahinga sa showbiz total ay
nakapag-pondo naman na daw siya ng ilang episodes para sa kanyang show
na inilipat na sa Aksyon TV.
Hindi man aminin ni Atty. Acosta ay
basa namin sa kanyang tono na slighted siya o sumama ang loob nya sa
pagkakalipat ng kanyang programa sa cable station lamang despite the
good ratings and review it is getting sa Kapatid Network.
Kaya sa panahon na hindi sya haharap sa kamera ay pagbubuhusan daw nya ng panahon ang kanyang Doctorate studies.
Maalalang sa kanyang panahon ay number 4 Bar Topnotcher si Atty. kaya
naman hindi na kami magtataka kung after ng kanyang PHD ay tawagin na
rin siyang Doktor Atty… o laban ka pa ba Raffy T.?
BEAUTY QUEEN BUHAY REYNA KAY PRODUCER PROVIDER
Naloka kami sa nasagap naming information tungkol sa isang beauty queen
na buhay reyna ngayon dahil well provided siya ng kanyang producer
lover.
Ang mas nakakaloka ay ng malaman namin na ang kanyang tatlong
anak sa dating asawa na isang model ay hindi pala biological children
ng nasabing lalaki kundi mga anak ng kanyang producer provider!
Kahit pala noon pang nagsasama ang dalawa ay lover na ni Beauty Queen si Producer at siya ang ama ng kanyang tatlong anak.
Huli na malaman ni model na hindi sa kanya ang mga batang binigyan niya
ng apelyido kundi sa kinikilala niyang kaibigan at ninong-ninongan!
Asus sa galing mag-make-up ni beauty queen hindi na kami magtataka kung
bakit kay galing din niyang magtago ng mga flaws sa kanyang life story.
Thursday, June 14, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment