Sunday, June 24, 2012

KAHON-KAHON NA PIZZA PIE TINIRA NI REPORTER AT NANAY NI BOKAL!

Corie CristieKATATAPOS pa lamang ng handaang ito kamakailan celebrating the birthday of a prominent political daughter. Sa naturang party, dalawang bisita ang nagmistulang “hakot queens”, isang gay reporter at ang nanay ng isang starlet na bocal ngayon sa isang province.

‘Yung gay reporter, kasama pa ang kanyang dyowa na naghakot ng kahon-kahon na pizza na supposedly ay isa sa maraming inihanda sa party. ‘Yung mahaderang ina naman ng starlet, ultimong mga dekorasyon sa party ay iniuwi.

Panay pa ang pakuha nila ng pictures sa isa pa rin reporter na hindi siguro makatanggi sa kanilang pakiusap. Ang siste, hindi nila naisip na nakuhanan sila sa digital camera ng kapwa reporter na ngayon ay maaaring gawing pruweba sa kagaspangan ng ugali nila.

May mga hawak kasi silang mga items ng kinurakot nila na nasa memory bank ng camera ng reporter na ayaw ngayon i-delete ang mga pictures. Para siguro pang-blackmail sa kanila kapag nag-inarte at nagdenay sila!

No comments:

Post a Comment