VICE GANDA DISMAYADO KAY KEITH THOMPSON
Ano itong nasagap naming
balita na hindi na ie-ere ang portion ni Keith Thompson ng PBB Teen
Edition sa show na Gandang Gabi Vice dahil nawalan ng gana si Vice at
ang mga staff ng show ng matapos ang taping ng episode na kasama ang
pasaway na binatilyo sa loob ng bahay ni Kuya?
Ito daw ay dahil sa walang napiga si Vice sa binatilyo at talaga naman daw naging
boring ang portion ni Keith sa show. Kahit anong bato daw ng biro o
interesting na tanong ni Vice sa Teen Cast Away ay “Po at Opo” lang ang
sagot nito at walang kalaman-laman ang mga binitiwang paliwanag nito.
Hindi ba’t kaya nga naging very prominent ang personalidad ni Kit
Tangkad sa bahay ni Kuya ay dahil sa walang habas nitong pananalita na
walang sinasanto mapa-babae man o lalake? Hindi ba’t sa anim na
nomination nights na nasa loob sya ng bahay ay minsan lang siyang hindi
nanganib at limang beses siyang ibinoto ng mga housemates dahil sa talas
ng dila at walang pakielam na attitude niya?
Bakit biglang naging
boring daw siya sa interview with Vice, nagpa-cute at wala daw talagang
naging kwenta ang portion niya sa GGV kaya minabuti na lang ng staff na
i-edit ito sa final cut para hindi masayang ang oras nila at the same ay
mailigtas ang image ni Kit sa TV Audience.
Ay naku… mahirap ang
sobrang guapo pero puro arte… nasa labas na siya ng bahay dapat mas
totoo na siya dahil hindi sya aasenso kung puro pa-cute lang ang gagawin
nya! Alam nyo ba na hindi sya napansin sa Tween Hearts ng GMA 7 kahit
stand-out ang beauty niya?
Ito nga kaya ay dahil sa mahina ang
personalidad nya sa totoong buhay at front lang nya ang pagkamadaldal sa
PBB Teen Edition na sinalihan nya?
Tuesday, June 19, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment