CorytiCo
By Corie
Criste
“Hindi
tayo magma-marunong, tayo ay magmamasid lamang at mag-aabang ng mga bagay na
magpapa-asim sa ating panlasa… Asim na magpapa-anghang ng ating pananalita!
Hindi
manunuligsa pero siguradong mag-uusisa!”
CHABIT SINGSON THE FATHER NOT THE POLITICIAN
I must congratulate Kris TV on
the episode where they visited the mansion of Gov. Chabit Singson in Ilocos. Sa
kabila kasi ng lavish lifestyle ni Gov. ay hindi iyon ang nakapukaw ng aking
paghanga sa kanya. Mas naging matimbang ang aking pagtingala sa kanya dahil sa
relasyon niya sa kanyang mga anak na kitang-kita ang pagkamalapit at pagmamahal
sa kanya.
Sa kabila ng marangyang
pagpapalaki sa mga bata, kanya-kanyang Yaya at driver na naghahatid sa kanila
sa kanilang British School ay lumaki ang mga itong marespeto, mabait at
magagalang. Wala akong nakitang katiting man na arrogance o yabang sa mga bata.
Ang dingdong na terminology ng
mag-amang Chabit at bunsong anak na babae na paraan pala ng pagkarga ng ama sa
anak ay very touching. Walang pretension at walang takot ang mga bata sa ama na
akala ng marami ay mabagsik, intimidating at matapang ay kabaligtaran pala sa
totoong buhay niya kapag ang usapan ay ang kanyang mga supling.
Maging ang present girlfriend ni
Gov. na si Josephine Pintor ay hindi rin nakalusot sa pang-uusisa ni Kris.
Maganda at talagang naman very ladylike at class ang kilos ng ina ng bunsong
lalaki ni Gov.
Congratulations Gov. Chabit for
being a wonderful father… sa puntong iyan ay saludo kami sa iyo!
AMA NI ACTOR NAGLALADLAD SA BULACAN
Tricycle driver pala ang
kinahuhumalingan ng isang closetang ama ng isang sikat na young actor!
Ito ang latest an chika ng isang
kasamahang reporter sa radio program na Wow Ang Showbiz na hosted by Fernan Ms.
F De Guzman at ng inyong lingkod.
Naku siyempre naintriga kami ni
Ms. F kaya super listen kami sa kaibigan at doon namin nalaman na hindi na
mapigilan ng fadir ni young actor ang kanyang kabaklaan na dumadayo pa raw
ngayon sa Bulacan dahil nahulog ang puso
nito sa isang pedicab driver na balitang-balita ang kadakilaan sa TODA ng
kanyang lugar.
Halos pareho ang istorya ni young
actor sa isang dating young actress na bading din ang ama… ang kaibahan nga
lamang ay biological daughter si actress at ampon lang si actor.
Naku ang kabadingan ng inyong mga
ama ay sayawan na lamang ninyo dahil hindi talaga ito maililihim at mapipigil
sa katagalan!
No comments:
Post a Comment