Friday, July 20, 2012

KRIS ON CHIZ... YUMMY!!!!


CorytiCo
By Corie Criste
“Hindi tayo magma-marunong, tayo ay magmamasid lamang at mag-aabang ng mga bagay na magpapa-asim sa ating panlasa… Asim na magpapa-anghang ng ating pananalita!
Hindi manunuligsa pero siguradong mag-uusisa!” 

KRIS AQUINO MAY PAGNANASA KAY CHIZ ESCUDERO
Extended ang co-hosting gig ni Senator Chiz sa Kris… o rhyme di ba?
Ito ang ibinalita ni Kris sa kanyang show dahil hanggang August na niya makakasama sa kanyang morning talk show ang magaling na senador.
Dahil dito ay lalo tuloy nalalagyan ng kulay ang relasyon ng dalawa na ayon sa kanila ay friendship lang. Remember na nali-link din Chiz kay Heart Evangelista at may mga nakakita sa dalawa na nagde-date.
Pero kung ang pagbabasehan ay ang body language at verbal insinuations ay mas iisipin ng viewers na si Kris ang higit na may pagnanasa sa senador.
Well hindi naman naming masisi si Kris dahil bukod sa gwapo si Sen. Chiz ay super sexy ang dating para sa mga kababaihan ng kanyang “utak” plus factor pa ang natural wit nya sa exchanges nila ng hindi naman patatalong talk show queen.

PAANG MAGSASAKA SI MODEL/ACTOR /ENDORSER
Mataas nga marahil na pamantayan ang ganda at linis ng paa ng actor na si John Lloyd Cruz dahil isa na yata siya sa may pinakamaganda at malinis na paa amongst our local celebrities, babae man o lalaki… Pero super tall order ito para sa mga baguhan dahil ang kalinisan ay tila nakakalimutan nila sa pagmamadaling matupad ang kanilang mga pangarap.
May nakasabay kaming isang actor/model at endorser sa isang derm clinic sa Quezon City na talaga naman kapag iyong tinitigan ay mai-in-love ka dahil sa kakisigan at kagwapuhan pero sa pagsipat mo at pagbaba ng tingin sa kanyang mga paa ay parang delubyo na babagsak ang paghanga mo sa kanya dahil daig pa ang dumi ng paang magsasaka.
Ang baguhang model/actor ay bahagi ngayon ng isang afternoon drama series na nag-book II kalian lang. Sayang dahil sa kabila ng kakisigan nya ay mas nangibabaw ang karumihan nya sa suot niyang tsinelas na goma.


DIAMOND PEEL SA LA ESTETICA
First time po ng inyong lingkod na ma-experience ang diamond peel sa La Estetica Derm Clinic sa IL Terrazo Mall sa South Triangle sa QC., at hindi ako nabigo dahil ang sarap ng feeling after the treatment. Damang-dama ko ang linis ng aking skin at batak powers nito sa aking pores.
Thank you very much kay Dr. Almond L. Derma for the wonderful experience!

No comments:

Post a Comment