@ Direk Corie

Para Sa
Daily Balita
DESPERADONG “KUYA”
Kalat na kalat sa web ngayon ang
larawan ng isang actor na hubo’t-hubad sa pag-aakalang makakatawid siya sa
estado ng kasalukuyang kasikatan ng kanyang younger bro.
Admittedly ay guapo naman talaga at
hunk ang dating ni older bro pero iba ang kanyang charisma kumpaya kay younger
bro kasi hindi siya pambida na tulad ng utol nya.
Kahit nga sa sinalihan nya noon na
artista search ay runner up nga lang siya eh, kaya hindi na rin nakapagtataka
na hindi masyado umangat ang kanyang career samantalang binitbit lang nya si
utol ay napansin na agad ng kanyang mother network at tinutukan na ang
pag-unald nito.
Dahil na rin sa naungausan na nga ni
utol, tumawid bakod na lang si kuya ang kaso kahit sa ibang istasyon ay naging
palamuti lamang siya at never naging bida.
Ngayon ay naghambalang sa iba’t-ibang
sites ang kanyang kahubdan na tila nag-uudyok ng makamundong imbitasyon… ang
tanong may kakagat kaya sa kanyang gimik?
CONGRATULATIONS
TO THE NEW DAD…TJ TRINIDAD
Hindi maikakaila ang kinang ng mga
mata ni TJ Trinidad ngayon dahil sa bagong inspirasyon niya sa buhay.
Nanganak na nga kamakailan lang ang
non-showbiz at isang baby boy ang panganay nila named Alonzo.
Hindi naman siguro makakasira ang
pag-amin ni TJ na isa na siyang ama at may kabiyak na dahil sa matured na rin
naman ang audience at following nya this despite his very young and leading man
image.
Bihira ang mga bidang actor na may
asawang tanggap ng kanilang mga fans… marahil ito ay sa dahilang hindi rin naman
talaga na-link sa kanyang mga co-stars ang magaling na actor.
Kaya naman Congratulations to TJ and
his new family!
CHRISTIAN
BAUTISTA AYAW NANG KUMANTA NG LUPANG HINIRANG
Masisisi ba natin si Christian
Bautista kung ayaw na niyang kantahin pang muli ang Lupang Hinirang sa publiko?
Si Christian ang napabalitang
magbubukas ng UPMG (United Print Media Group) Conference noong nakaraang linggo
sa pamamagitan ng Pambasang awit subalit tinanggihan nito ang paanyaya ng
samahan ng mga manlilimbag ng peryodiko at babasahin na kantahin ang nasabing
awitin at sa halip ay mas pinili nya ang pangalawang number sa programa kung
saan ang awit niya ay para sa Invocation o pagdarasal.
Mas pinili ng singer na awitin ang
You Raise Me Up at nagpa-unlak pa ng ikalawang awit wag lamang maulit ang
pagkapahiya nya na awitin pa muli sa publiko ang Lupang Hinirang.
Sa kabilang banda ay nais din naming
i-congratulate ang UPMG sa pamumuno ng Chairman sa taong ito na si G. Barbie
Atienza ng Bulletin ang pinakabatang president ng samahan na si G. Ricky Alegre
ng Business Mirror at Pilipino Mirror.
No comments:
Post a Comment