@ Direk Corie

Para Sa Daily
Balita
ARLYN
DELA CRUZ – A LIFETIME OF FREEDOM
It was an eventful afternoon for
yours truly this weekend dahil bukod sa mga inattenand naming mga events at
programa ay daig pa namin ang dumalo sa mga reunion…
Kasama ng ilang kaibigan sa panulat
ay pinakinggan namin ang mga pahayag ni Arlyn Dela Cruz na dating kasamahan ng
inyong lingkod sa Newsroom ng ch. 2, siya bilang bahagi ng TV Patrol at ako sa
Hoy Gising!
Ito ay tungkol sa kung paano niya
sinulat at pinagsama-sama sa isang aklat ang kanyang mga natatanging karanasan
bilang isang journalist sa A Lifetime of Freedom.
Sa mga susunod na araw ay ibabahagi
ko sa inyo ang aking mga mababasa sa nasabing aklat pero sa ngayon ay pagtuunan
muna natin ang mga kwento sa likod ng nasabing book launch.
Parang kalian lamang ay dalaga pa si
Arlyn pero sa programa ay nagbasa na rin ng ilang pahina ng aklat ang dalawa
niyang anak na dalagita pero tulad ng dati ay batam-bata pa rin at sexy si
Arlyn, walang kupas ika nga!
Bumati rin ang dating kasamahan sa
Dos na si Senator Loren Legarda na tinapos pa ang programa upang makisalimuha
sa mga kaibigan ni Arlyn na naroon para sa pagbati sa kanyang tagumpay.
Si Arlyn pala ay nabigyan ng break
bilang isang newscaster ni Ms. Olive Villafuerte na dati naman naming boss sa
Vintage TV. Maganda at super bait pa rin ni Ms. Olive na walang pinagbago at
talaga naman ever so gracious pa rin… hindi ko maiwasan na mag-reminisce ng
kami ay magkausap.
Sadyang hindi ko binabasa pa ang
libro ni Arlyn dahil ito ang balak kong ibaon at basahin sa 18 hours na flight
ko papunta Los Angeles next month… kasi alam kong na maganda ito, dahil hango
sa totoong buhay ng isang katulad kong alagad ng journalismo na si Arlyn Dela
Cruz. Congratulations ngayon pa lamang
dahil alam naming na magiging isang best seller ito kaibigan!
COACH
DODIE KING STRIKES BACK
After the very intimate and yet very
successful book launch of friend Arlyn ay dinayo naman namin ang surprise
birthday party para sa kaibigan Cristine “Tintin” Rex na hinanda ng kanyang
partner na si Coach Dodie King.
Tin turns 40 and yes she remains the
very sexy lady that she is in her Maxie Cinco yellow gown.
Coach Dodie King is now super
involved in the soccer team that he adopted and sponsored with some of his
sports friends. San Pedro, Laguna will definitely benefit from this PR man in
days to come.
HUNK
NA WALANG UNDIES
Totoo ba ang balitang nakita sa
bangko ang isang hunk commercial model turned actor na nagwiwithdraw ng kanyang
talent fee na ang suot lamang ay isang maigsi at manipis na shorts na hindi
nagawang itago ang bukol niya sa harapan na galit na galit ng mga oras na iyon?
Sabi ng nakakita sa kanyang isang
dating executive producer ng isang malaking network at isang reporter/radio
anchor na nag-eencash din ng kani-kanilang mga cheke nang oras na iyon ay
mukhang galing sa taping ang hunk at nakatulog ito sa kanyang kotse na
dumiretso naman sa bangko.
Hindi na raw nagawang magsuklay ni
hunk na pumasok ng bangko pero mas higit daw na nakuha ng kanyang bukol sa harap
ang pansin ng mga tao sa loob ng establishment.
Si Hunk ay bida sa isang existing
toothpaste commercial na umeere ngayon!
No comments:
Post a Comment