Sunday, September 9, 2012

@Direk Corie sa Daily Balita




@ Direk Corie
Para Sa
Daily Balita
BRILLANTE MENDOZA FILM FEST
Parang my filmfest na director na si Brillante Mendoza sa mga araw na ito dahil matapos ang Thy Womb na nakasalang ngayon sa Venice Film Festival ay palabas na rin sa ating local theaters naman ang Captive, ang pelikulang pinaka matapang na naglalahad ng mga problema sa Muslim Mindanao.
Ito ay hango at ayon sa mga kwento ni Gracia Burnham sa kanyang aklat na "In the Presence of My Enemies", kung saan kanyang inilahad ang mga detalye ng kanilang paghihirap ng asawang si Martin sa kamay ng mga Abu Sayyaf sa loob ng 377 days.
Ang French actress na si Therese Burgeoine ang gumanap bialng si Gracia Burnham at kasama ang ilang international at Filipino cast.
Bahagi rin ng pelikula ang kaibigan naming si Arlyn Dela Cruz na ginampanan ang kanyang sarili na isang mamahayag.
Sa kabilang banda ay labas na rin ang sinulat na aklat ng kaibigang Arlyn na pinamagatang      A Lifetime of Freedom” na mga kwento at anecdota ng kanyang pakikipagsapalaran bilang isang journalist at reporter.
ISANG BAKLA … ISANG ASO… Isang  BWAKAW!!!
Super wagi bilang Best Actor si tito Eddie Garcia sa pelikulang BWAKAW na kwento ng isang kakakibang pagkakaibigan.
Isang loyal na aso at isang mapuso pero bading na amo na handang ipaglaban ang kanilang pagsasamahan sa kabila ng kahirapan, katandaan at kaguluhan.
Sa direksyon ni Jun Robles Lana, napukaw ng Bwakaw ang puso ng mga hurado sa katatapos lamang na Cinemalaya Film Festival dahil sa kakaibang atake ng pelikula sa kabaklaan.
Si Eddie ay si Rene na super late nang maglaladlad ng kanyang kappa sa idad na 70 nang main-love ito sa isang tricycle driver (Rez Cortez) na mag-iiba ang pagtingin sa kanya nang mabisto nitong isa siyang bakla.
Umikot ang relasyon nina Rene at nang tricycle driver dahil sa pagtutulungan at pagmamalasakit nilang masalba ang buhay ni Bwakaw na isang askal nang susugalan nila ng panahon, pagmamahal at pasakit!
Isang napapanahon kwento ng tao, hayop at pag-ibig!
GUAPO PA RIN NI VINCE HIZON, GANDA PA RIN PATRICIA BERMUDEZ
Personal naming nakadaupang palad kamakailan ang charming at guapong former cager na si Vince Hizon nang sunduin niya ang misis na si Patricia Bermudez Hizon sa aming show sa Marriott Hotel para sa launch ng EPSON Printers.
Super sweet ang mag-asawa na para bang bagong kasal lang na nasilip pa naming nagkawahak kamay habang nagdarasal bago sila kumain.
Sa simula ay sinusundan ko lamang ang lahat ng leeg ng mga kababaihan sa ballroom na parang biglang iisa ang direksyon, sa huli’y nakita ko ang dahilan, isang matangkad at matipunong lalaki ang pumasok… si Vince pala…
Sabay bunting-hininga na lamang ang lahat ng girls nang lapitan nito ang asawa at halikan tanda ng pagbati… Ay ang swerte-swerte ni Patricia, sweet na sweet ang kanyang hubby na hindi nahihiyang ipakita sa mga tao ang kanyang damdamin.
Congratulations sa inyong mag-asawa, sana dumami ang katulad ninyong walang pagbabago ang init at pag-aalaga sa isa’t-isa!
BASKETBOLISTA AT FOOTBOLISTA… SILA NGA BA?
Mga sister, kafederasyon at ka-churva… alam nyo ba ang latest chismax na isang basketball player ang parating nakababad sa mga laro at practice ng isang football player dahil sa super  bantay daw ang una sa huli?
Guapo at may halo din ang dugo ni football player, kaya naman balita ang init nitong taglay, maraming mga girls ang nagtatanggal talaga ng panty mapansin lamang niya pero hindi pala kayo pwede makasingit dahil super bantay sarado daw ito sa kanyang napapabalitang best friend na isang basketbolista!
Sa pagkakakwento sa amin ng isang sports aficionado, siya man daw ay nagtataka dahil sa tuwing wala  raw practice si basket player ay nakababad na ito sa mga practice naman ni football hunk upang masiguro daw na hindi ito malalapitan ng mga babaing naghihintay sa mga dug outs during football practice and games… No girls ang policy niya dahil mahal daw ang magmahal ng isang football hunk kaysa sa isang cager. Clue : Pareho silang mestizo!

No comments:

Post a Comment