@ Direk Corie
Para Sa
Daily Balita
ZIA QUIZON HINDI
MAIWAN SI ZSA ZSA
Balitang sobra ang
pag-aalala ng Best New Female Recording Artist ng Star Awards for Music na si
Zia Quizon kahit maayos na kalagayan ng kanyang inang si Zsa Zsa Padilla. Ayaw
diumano iwan ni Zia ang ina kaya’t minabuti nitong ipagpaliban na muna ang
pagtanggap ng mga proyekto at guestings.
Hindi pa nakakaahon sa
kalungkutan sa pagkawala ng kanyang ama ang dalaga kaya naman ayaw nitong iwan
kahit sandali ang nagpapagaling na ina sa US.
Sa katunayan ay
nagpasalamat na ito sa mga opisyal ng Star Awards for Music sa kanyang
nominasyon at the same time ay humingi ng paumanhin sa kanyang hindi pagpunta
dito sa Linggo. Naunawaan naman ng pamunuan ang kalagayan ng dalaga dahil
mahirap na nga naman na mawalay si Zia sa ina na dasal ng pamunuan na tuluyan
ng lumakas at makabalik sa circulation.
Bibigyan parangal din
ng nasabing award giving body ng parangal si Zsa Zsa bilang isa sa Natatanging
Alagad Ng Sining sa Musika kasama sina Gary V., Martin Nievera, Leah Salonga,
Pops Fernandez, Ogie Alcasid, Regine Velasquez at Sharon Cuneta.
ALDEN RICHARDS
PANTASYA NG MGA COUGARS
Naloka kami sa chikang
type na type pala ng mga Cougars o matrona ang byuti ng Kapuso leading man na
si Alden Richards ng One True Love.
Bakit ika nyo? Aba’y
isang kakilala namin ang nagkwento na parati daw siyang nanonood ng taping ng
binata kahit saan ito magpunta para lamang titigan at pagmasdan ang kakisigan
nito at ang bukol sa kanyang harapan!
Duhh…bukol daw oh… kaya
naman pala endorser ng isang underwear brand itong si Alden, dahil kaya ito sa
mayaman niyang bukol?
At handa daw ang
kakilala naming cougar na bayaran kahit magkano si Alden, Makita lang niya ang
laman sa likod ng bukol.
GADGET LANG ANG
KATAPAT NG DAKONG YOUNG ACTOR
Totoo ba ang balitang
bagong gadget lamang ang katapat ng isang mainit na gabi sa piling ng dakong
young actor?
Insulto daw kasi ang
dating kung pera ang usapan para makapiling siya dahil hindi naman daw siya
bayarang lalaki pero kung gadget daw iyon mukhang regalo lang at hindi
kabayaran.
Nasanay na rin kasi sa
karangyaan si young actor at ayaw naman niya pahuli sa mga kaibigang artista
rin kung may mga bagong labas ng gadgets tulad ng phone, IPad, at kung ano-ano
pa… kaya naman kapag may nakita siyang bagong tecki tecki sa mga friends
naghahanap na raw ito ng sponsor para ibili rin siya ng katulad ng sa mga
friends nya.
Hindi na kasi masyadong
“IN” si young actor kaya “OUT” ang gimik
nya sa panghahada ng mga bading na willing to buy him his toys!!!
BONA STRIKES AGAIN
We engage everybody to
take time out and watch BONA starring Eugene Domingo until Sept. 23 na lamang po… Super excited
din ang inyong lingkod sa balitang manonood ng LIVE ang original Bona na si Ate
Guy pagkagaling nya ng Venice International Film Festival and this time ay
kasama nya rin ang original na leading man na si Philip Salvador, reprise anew
by Edgar Alan Guzman.
PETA is proud to say
that all showing are warmly accepted not only by theater goers but by the
public as well dahil sa kanilang curiosity sa kung paano isinalin para sa
entablado ang isang classic movie na tulad nito.
Sa kabilang banda ay
dasal din naming na maiuwi ng nag-iisang superstar ang best actress sa Venice
Filmfest para sa kanyang pelikulang Thy Womb (Sinapupunan) kung saan matunog
ang ugong ng balitang nangunguna si Ate Guy sa mga judges favorite.
No comments:
Post a Comment