
CONGRATULATIONS PMPC
STAR AWARDS FOR MUSIC
Isang malaking tagumpay ang
katatapos lamang na PMPC Star Awards for Music last Sept. 9, Sunday kung saan pinarangalan
ang mga magagaling na singers ng ating bansa.
Ginawa ang parangal sa Meralco
Theater sa direction ni Al Quinn at stage design ni Rico Ancheta.
Maganda ang pagkakagawa ng
naturang parangal at talagang kumpleto ang mga winners sa pagtanggap ng kanilang
mga papuri maliban na lamang kina Leah Salonga na nasa US, Sharon Cuneta na
indispose at Zsa Zsa Padilla na alam naman nating nagpapagaling sa kanyang
katatapos lamang na operasyon.
Big winner ang Spongecola’s Araw,
Oras, Tagpuan for Album of the Year, si Jed Madela for winning Male Recording
Artist of the Year, 2nd year in a row and Aiza Seguerra for Female Recording
Artist of the Year.
Maganda rin ang tribute sa mga
itinanghal na OPM Icons of the year na sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Kuh
Ledesma, Leah Salonga, Sharon Cunera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Regine
Velasquez at Ogie Alcasid.
Naroon para awitin ang kanilang
mga classic ang 2nd generation nilang sina Robin Nievera who also
won Best New Male Recording Artist, Isabella, Karylle and Paolo Valenciano. The
number was so well applauded specially so Regine and Ogie accepted their awards
declaring na “HIntayin nyo rin ang anak ko… In two years time ay bibirit na rin
ito!” Ang gagaling kasi ng mga anak na nabanggit na nagbigay pugay sa kanilang
mga magulang.
HIGHLIGHTS AND
SIDELIGHTS
Walang Best Dress and Star of The
Night awardees ang PMPC Music awards kagabi, bagay na kakaiba ngayon dahil alam
naman natin na parating may ganito kapag awards night…
Pero kung mayroon ganung parangal
ay runaway winner ang host ng gabi na si Maja Salvador who was very sexy and
gorgeous in both her gowns during the program.
Ang ganda rin ng mini-cocktail
dress ni Karylle during her production number together with the Icon 2nd
gen. at lalo pinatingkad ang kagandahan ni Karylle dahil present at winner
ang love niyang si Yael sa mga nominations ng grupong
Spongecola.
First time ko yata nakita si
Bamboo na nagperform on stage na formal at naka-suit, bagay na bagay sa kanya
ang kanyang kasuotan.
Christian Bautista came with his
girlfriend kaya naman all smiles ito during and in between performances not
mention na nanalo rin siya twice for his album OUTBOUND as Pop Album of the
Year and Pop Male Singer.
The opening number of the evening
was a production coupe of all the nominated Song Of The Year at kumpleto ang
mga nominees to perform their carrier tracks like Jed Madela (Breathe Again),
Erik Santos ( Kulang Ako Kung Wala Ka), Spongecola (Tambay), Bamboo (Question)
Christian Bautista (I’m Already King) Juris (Kahit Di Mo Sabihin) at Sam Milby
(Hindi Kita Iiwan). Sabi nga ng mga manonood doon “Opening number pa lang ay
super sulit na dahil sa ganda at bigat ng mga performers!”
The Wondergays run away with
three awards beating contender Willy Revillame in the Novelty Category namely Album, Song and Artist of the
year… huh?
AGING DIVA FOCUSES ON CLOSETED MALE LEAD
May nadinig kaming ugong-ugong sa
paligid ng isang event lately tungkol sa obvious na pagpaparamdam di umano ng
isang sikat na Aging Diva na sa idad nya ngayon ay matatawag na rin siyang
isang cougar o may idad na babaing naninilo ng mga mas batang partner. Sa
kwentong banggit ay mainamataan daw talaga nitong si AD ang isang super sikat
na Leading Man na napapabalitang berde ang dugo dahil gusto raw nitong patunayan
na kahit bading ay mate-turn on sa kanya.
Maganda naman talaga at seksi pa rin si AD pero paano siya papansinin
ni LM eh kulang na nga lamang daw ay magladlad ito sa dami ng mga bali-balitang
naka-relasyon niyang kapwa niya male celebrities.
“Basta titikman ko siya at hindi
nya ako matatanggihan sa oras na makorner ko siya!” ang mga pagbabantang
binitiwan diumano ni AD sa kaibigan niyang best na babae ng LM.
No comments:
Post a Comment