Monday, July 30, 2012

ACTOR/POLITICIAN BADINGDING DIN!


CorytiCo
By Corie Criste
“Hindi tayo magma-marunong, tayo ay magmamasid lamang at mag-aabang ng mga bagay na magpapa-asim sa ating panlasa… Asim na magpapa-anghang ng ating pananalita!
Hindi manunuligsa pero siguradong mag-uusisa!” 

MATTEO AND MAJA LOVE STORY ENDS

Isa po ang inyong lingkod sa nalungkot sa confirmation na tapos na talaga ang love story ni Matteo at Maja dahil sa gandang-ganda ako sa kanilang dalawa.
Si Matteo with his Italian heritage and Maja with her beautiful Salvador Lineage siguro ang ganda ng mga magiging anak ng pair na ito… but sabi nga sa linya “this too will pass” meaning kahit ang magandang simula ng love affair na ito did not make it last a lifetime.
Pero despite his recent heart break ay super guapo si Matt the last time I saw him during one of the shows that we were together. Golden Tan at lean slim muscled stance… grabe his good looks were the more highlighted by his present glow.
Pero napa-amin ko rin sa Matt sa isang kwento noong kanyang student years na once in his lifetime ay naging girlfriend nya ang isa sa kanyang mga teachers sa school! Ganun katindi ang charisma at appeal ni Matt na maging ang kanyang teacher ay na-in love sa kanya!

ACTOR/POLITICIAN BADINGDING DIN!

Guapo, matangkad, modelo, sexy, singer, civil servant name it nasa kanya na lahat… Bata pa ay pasok na sa politika at mas mataas na pangarap na posisyon sa susunod na eleksyon… pero ang tanong ng marami sa kanyang paligid, bakit ni minsan ay hindi man lang na-link ito sa babae at hindi napabalitang may girlfriend?
Matunog ang tsismis na berdadero din ang dugo ng hunk na ito na ngayon ay bahagi ng isang grupo ng mga baguhang singers na puro guapo pero hindi naman mga kagalingan talagang umawit.
Sa kwento ay tila may namumuong relasyon sa pagitan nito at isa sa mga kasamahan niyang cute na singer sa grupo.
Pareho silang taga-Norte at pareho sila ng munisipyo kaya naman sabi ng iba ay best friends lang sila at hindi dapat na bigyang malisya ang kanilang samahan.
 

KUMPARE – KWENTO NG MGA BAKLANG BIKTIMA

Sabi ng director ng Indie Film na Kumpare na si Jonison Fontanos ay kwento daw ng mga baklang biktima ng heinous crimes at gay discrimination ang kanyang movie na malapit ng ipalabas sa UP Theater itong papasok na Agosto.
Ayon sa kanya ay inspired daw ito ng istorya ng doctor sa Cebu na piñatay ng dalawang kabataan na kanyang inimbita sa kanyang tahanan na nakuhanan pa ng video.
Kwento na anim na magkakaibigang lalaki na masasangkot sa krimen dahil sa gay discrimination. Sana ay maging maganda ang pagtanggap ng mga viewers sa movie di ba Doc. Almond Derla ng La Estetica Derm Clinic?

1 comment:

  1. In fairness.kabasa basa naman po ang blogsite niyo.i like it.halatang matalino ang nagsulat.goodluck po.ganda ng profile pic.

    ReplyDelete