Saturday, August 11, 2012

Initial Article for PINOY PARAZZI - AUG. 10. 2012


http://pssst.com.ph/wp-content/uploads/2012/06/Corie-Cristie.png
VEGAS WEDDING FOR AiAi DELAS ALAS
Personal naming nakita sa set ng D’Buzz last Sunday ang present “Babe” ni Ms. AiAi Delas Alas na talaga naman guapo.
Kasama noon ng mag-inang AiAi at Sancho si Babe dahil may interview portion sila with Kuya Boy Abunda tungkol sa usaping ng pagtatapos sa kasong isinampa ng  isang convenient store employee laban sa anak na panganay ng Comedy Concert Queen.
Sa interview ay naging emotional ang mag-ina after nila mapagtagumpayan ang masalimuot na karanasan kung saan pinagbintangan nag-shop lifting si Sancho at natawag na magnanakaw.
Aminado si Sancho na na-trauma siya sa mga pangyayari dahil na rin sa mga taong humusga sa kanya lalo na sa social networking sites pero matibay ang samahan ng mag-ina at buo ang suportang ibinigay nila sa isa’t-isa hanggang sa natamo ang pagpapawalang sala kay Sancho ng hukuman.
Going back sa bagong “Babe” ni AiAi malakas ang balita sa loob ng D’Buzz na ikinasal na sa Las Vegas si Ai Ai ang kanyang bagong pag-ibig. Bagay na bagay naman talaga sila kaya super glowing at blooming ang ating bida!
Happy naman si Tito Boy sa development ng kaso ng mag-ina dahil sinabi talaga ni “AMA” na maraming masasabi kay Aileen pero hindi kailanman dapat na kwestiyunin ang pagiging ina nito dahil talaga namang super sa pag-aalaga at pagmamahal sa kanyang mga anak!
HOST NG NOONTIME SHOW… PAREHONG NALULONG SA MASAMANG BISYO
Bali-balita sa Loreto sa Sampalok ang pagkalulong ng magkaibigan hosts ng isang variety show sa droga dahil magkasabay pa raw itong imi-iscore at tumitira nito sa nasabing barangay.
Madali naman daw malaman kapag kargado ng droga ang dalawa dahil ang isa sa mga hosts ay nagiging hyper at super daldal samantalang hindi daw mapilit ng mga kasamahan ang isa sa mga kasama na magtanggal ng shades during the show.
Sana naman ay hindi totoo ang balitang ito dahil marami ang malulungkot kapag naapektuhan ng kanilang bisyo ang kanilang trabaho at propesyonalismo.
Marahirap kumaripas ng mabilis na takbo kahit gaano pa kahaba ang biyas mo at magsample ng matino kung ang utak mo ay gulong-gulo sa time ng show!!!
PERLA BAUTISTA BILANG TANDANG SORA
Ang Indie Film ng batikang actress na si Perla Bautista tungkol sa Ina ng Katipunan na si Tandang Sora ay malapit ng mapanood at bahagi ng pelikulang ito ang pagpapakita ng kakulangan ng respeto at pang-unawa ng mga kabataan sa mga senior citizens o elderly sa makabagong panahon.
Sabi nga ni Tita Perla… “Nais ipakita sa Melchora ang kahalagahan ng pagrespeto at pagbibigay atensyon sa mga matatanda dahil maging sa dapit hapon ng buhay ay mahalaga pa rin ang kaalamang maibabahagi ng mga ito dala ng kanilang experience at wisdom. Tulad ni Melchora na sa kabila ng mahigit na 80 years old na noong panahon ng digmaan ay naging sandigan pa rin ng mga Filipinong ipinakipaglaban ang kasarinlang tinatamasa natin ngayon!
Si Tita Perla ay isa sa mga haligi ng ating entertainment industry at mahigit sa 300 pelikula na ang kanyang nagawa at mahigit 200 daang bahagi sa mga programang panTV at payo nya sa mga bagong artista na nagbabakasakaling makapasok sa mundo ng pelikula at TV, magsipag, magtrabaho, maging magalang at maging marespeto sa lahat ng katrabaho,sikat man at maliit na tao ng produksyon, dahil dadating ang panahon na ang mga maliit ay lalaki at aasenso hanggang maging boss nyo at ang mga sikat ay tatanda at maging supporting nyo!

No comments:

Post a Comment