Wednesday, August 15, 2012

2nd release in Parazzi


http://pssst.com.ph/wp-content/uploads/2012/06/Corie-Cristie.png

ANGELINE QUINTO AT JASON ABALOS MAS BAGAY

Napanood nyo ba ang episode na GONG sa Maalaala Mo Kaya last Saturday na pinagbidahan ni Angeline Quinto bilang isa babaing Bogobo at ni Jason Abalos? Marami ang nakapuna na mas may chemistry ang dalawang nabanggit na young stars dahil walang effort ang kanilang performance pero believable na in love sila sa isa’t-isa.
Sa pananghalian naming last Sunday kasama ang batikang character actress at komedyanang si Tya Pusit ay ito ang naging topic naming dahil sa pareho pala naming nasubaybayan ang palabas the night before.
Angeline gained good reviews for the episode dahil biglang magaling na siyang umarte at higit sa lahat ay bagay na bagay sa kanya ang kanyang role na naitawid nya nang natural at kapani-paniwala. Commendable din ang paggamit nila ng Bogobo dialect ng mga kasamahan nya sa cast.
Nakaka-inlove naman talaga ang role ni Jason Abalos na na-inlove sa character ni Angeline despite their cultural and physical differences.
Pero mas pinabilid kami ng cinematography ng episode where in one scene ay piangsama-sama na yata ang galing ng mata, ganda ng location, galing ng mga cast at ang super galing ng timing ng shot sa pagbuhos ng isang magandang ambon (read mahinang ulan) the timing of the shot was so perfect na hindi ko naiwasan ang maiyak dahil sa tamang timpla ng lahat ng bagay. Walang take two ito dahil hindi mo naman pwede sabihin sa ulan “take two tayo ulan!” and it was not a fake shower dahil wide shot iyon at hindi close up.
Samahan mo pa ng magandang production design… this episode could been best kung naging movie… Am sure na mas kikiligin ang mga fans ni Angeline kung si Jason ang gagawing permanent love team nya at hindi si Coco.

CHARICE AS THE BRIDE OF CHUCKIE

Ito ang naging tuksuhan after na mapanood ng mga kaibigan natin si Charice sa X Factor noong Sabado. At dahil ito sa grabeng blond hairdo at side swept curls ng International Singing Sensation. Sino nga raw ba ang bagong stylist ni Charice at bakit napapabayaan daw ang image ng dalaga?
Dahil din ba ito sa pagpapalit nya ng manager? Balita kasing ang dati niyang Production Assistant na isang American na ang kanyang manager.
Sa totoo lang parang name-miss naming ang dating simple at natural na ganda ni Charice na walang halong pretension at yabang! Despite this present impression ng inyong lingkod, I still am a big Charice fan dahil sa dinala niyang pride and honor sa ating bansa… Sana lang bumalik na ang dating Charice.

COMIC NA MAHILIG SA BARATILYO

Isang super reliable source ang nagchika sa inyong lingkod na super mahilig daw itong si baklang comic na mamalengke ng baratillyo sale sa isang  barangay sa Espana… Ang kaso ang kanyang binbili ay lalaki!
Yes, mahilig mamick-up ng hombre sa kahabaan ng Espana si comic, ang kaso iniiwasan na raw siya ng mga hustlers ng mahabang kalsada dahil sa sobrang pagtawad nito sa kanilang serbisyo.
Sabi pa nga ng isang callboy doon… “Naku nakikita pa lang namin ang kotse nya, umiiwas na kami kasi bagsak presyo na nga kami pag walang customer, gusto nya pa tawaran… kulang na lang libre ang gusto nya sa serbis namin. Eh ang baho pa naman ng hininga nya!”
Susog naman ng isa pang callboy… “Iyong pangalan nya masarap kainin pero ang mukha niyang masarap sapakin! Ang kapal-kapal nya artista pa naman siya tapos ang barat-barat nya pero ang hilig nya sa b_rat!” Iyon na!!!

No comments:

Post a Comment