
KASALANG CARMINA AT ZOREN THIS YEAR NA
Excited na ang magka-partner na
Zoren Legaspi at Carmina Villaroel sa plano nilang pagpapakasal bago matapos ang
taong ito.
Sabi nga ni Mina ay buwan na
lamang ang kanilang pinagpipilian pero definitely ay pasok daw sa taong ito
pero si Zoren na raw ang pinag-aasikaso nya.
Excited na rin ang kanilang mga
anak sa kanilang nuptials dahil sila na rin ang tatayong mga abay ng kanilang
mga magulang.
In fairness habang pinanonood
naming ang interview ng magpartner sa Showbiz Inside Report last Saturday ay
kitang-kita ang comfort and security ni Mina at Zoren sa kanilang partnership
kaya naman maging mga produkto ay hinahabol ang samahan nila bilang endorsers
dahil sa solid family values and standards nilang dalawa.
Here’s hoping po na talagang
matuloy at maging mas masaya pa at successful ang pamilyang ito dahil
napakaganda nilang ehemplo sa kapwa nilang mga taong pamilyado.
ALBERTO BRUNO HANDANG MAGPATULI MANALO LANG SA ARTISTA ACADEMY
Sa aming interview sa Fil/Italian
hunk na si Alberto Bruno ay napako ang aming usapan sa pag-amin niya na hindi
pa siya binyagan bilang isang binata. Sa idad na 16 years old ay 3rd year college na si Bruno sa
Italya at dahil nga sa doon siya lumaki at naninirahan ay hindi uso doon ang
pagpapatuli.
“Hindi po kasi uso at malaking
isyu sa Italia ang circumcision kaya naman po talagang malaking gulat ko na
isyu pala ito dito sa Pilipinas!” ani Bruno.
Tinanong din naming siya kung
handa siyang magpatuli kung sakaling maging dahilan ito ng pagkonti ng kanyang
boto dahil ang mga Filipina fans nya ay pwedeng turned off sa mga katulad
niyang supot?
“Wala pong problema sa akin kung
sakaling kailanganin na ako ay magpabinyag dito sa ating bansa kung hihilingin
ng mga fans dahil kailangan ko naman po ang tulong nila para manalo dito sa
Artista Academy.” Sagot ni Bruno…
Mas maganda bangitin ang apelyido
niyang Bruno kaysa sa pangalan niyang Alberto dahil sa pero unique ito at mas
medaling tantadaan. Bilib din kami sa tatas magTagalog ng baguhan ito dahil
talagang nag-crash course siya sa self study ng Tagalog para ams maintindihan
daw siya ng mga fans.
Last Saturday ay isa siya sa
nakakuha ng high marks sa ginawa niyang monologue sa AA Live Exams at
naniniwala kami na malayo ang mararating ng binatang ito sa larangan ng showbiz
manalo o matalo man sa AA.
SHOWBIZ MADIR NA MAY STAR COMPLEX
Dati rati ay ang asawa niya ang
kanyang nire-represent pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na
naputol ang business partnership nila. Kinuha kasi ni Lord si lalaki…
Ngayon ay ang kanyang mga anak na
mina-manage nya… tatlo ang nakapasok na ang mga paa sa showbiz, dalawang babae
at isang lalaki… pero madami pa siyang minamarket dahil mahigit sa isang
basketball team ang nagawa nila ng namayapang asawa.
Pero balita na nagbalik ang
yabang na nawala sa babaing ito nang pumanaw ang asawa nang biglaan namang
bumango ang pangalan ng anak niyang lalaki na hindi naman guapo pero sabihin na
nating suwerte dahil napansin sa kabila ng hindi naman kakisigan nito.
Akala daw yata ni showbiz madir
ay sikat na sikat na ang dayunyor niya dahil nabigyan ng solo movie ng mother
network nito… kaya sa kabila ng pagsemplang sa takilya ng nasabing peilkula ay
tuloy ang pagtaas ng leeg ni madir at panay na raw ang irap nito sa mga dating
kasamahang showbiz moms ng anak.
Balitang kinaiinisan daw ito
maging ng mother ng ka-love team ng anak nya? Sana hindi totoo ang mga kwentong
ito dahil baka ang anak naman niya ang kunin agad ni Lord! Wag naman po sana!
No comments:
Post a Comment