Friday, April 5, 2013

DUGONG BUHAY ... ANG BAGONG OBRA SA BIDA PRIME HAPON NG DOS



CARLO J. CAPARAS PROUD SA REMAKE NG OBRA

Nakausap namin ng personal ang pamosong Comic Writer na si Carlo J. Caparas at super saya na after almost 2 decades ay muling binuhay ng Kapamilya ang kanyang obrang DUGONG BUHAY.
Naibahagi nya sa nakaraang advance screening ng nasabing programa na mula sa komiks ay ginawa itong pelikula tapos ay muling binuhay sa komiks pero ngayon lang ito magiging isang TV drama. At proud na proud siya at super happy sa kinalabasan ng nasabing pagsasadula ng kanyang original story dahil ito nagawang ilipat sa tebisyon na mistulang isang pelikula sa direksyon naman ng action film veteran na si Direk Toto Natividad na umaming 30 years na siya sa industriya pero ngayon lang daw siya nakagawa ng isang proyektong swak na swak sa lahat ng aspeto.
Inaasahan na ng lahat ng nakapanood ng nasabing advance screening ang tagumpay ng Dugong Buhay sa Primetime Hapon ng Kapamilya kung saan isinalang bilang ganap na mga bida ang PBB winner na si EJ Falcon at ang PMPC’s Best New Male Actor na si Arjo Atayde bilang magkapatid na pinaghiwalay ng galit at panahon.


EJAY FALCON THE NEXT BIG LEADING MAN

Sinugalan ng nga ng ABS CBN ang kanilang PBB Teen Winner batch 2 na si EJ FALCON sa bago nitong drama sa hapon na DUGONG BUHAY.
Late dumating ang bagong bida sa sariling advance screening ng kanyang serye pero nagpakumbaba naman itong humingi ng paumanhin sa lahat ng mga taong nandoon at sinarili na lamang ang rason ng kanyang tardiness. Sa kabila nito ay mahiyain pa rin pero super gwapo at matipunong bihis ng bagong action star ng Dos.
Noon una naming makausap si Ejay sa isang piyesta last year ay naikwento niyang ang pangarap talaga niya ay maging isang action/drama star at mukhang dumating na nga ang katuparan ng kanyang hiling.
Kung ang ibang kasing gwapo ni Ejay ay kuntento na sa pagpapa-cute nag-iba naman ng image ang binata. Nagpalaki ng katawan at sumabak sa matagalan at pahirapan action workshops upang magampanan ang role ni Victor sa DB drama.
Ngayon pa lang ay hinuhulaang magiging matagumpay ang pagbibida ng binata dahil super effective ang kanyang pagbabanat ng katawan, napaka-sexy niya sa kanyang mga eksena at talaga naman makalaglag panty ang kanyang dating.
Chiseled face with a toned body… good magnetic eyes and the perfect profile… brusko sa kanyang curly uncombed hair… Iba… Ibang klase ng bida itong si Ejay walang kang mararamdamang bahid ng kabadingan!

RAFAEL CENTENERA- MATURED CROONER WITH A FRESH VOICE

Ang all Tagalog self titled album ng singer na si Rafael Centenera ay available na s lahat ng mga music outlets nationwide.
Si Rafael sa kabila ng kanyang maturity ay may fresh voice na talagang bagay na bagay sa kanyang mga awitin. Makisig at guwapong-guwapo pa rin ang Pinoy entertainer na mas sikat pa sa bansang Malaysia kung saan siya namalagi ng 30 years bago bumalik dito sa bansa upang gawin ang mga piyesang nilaan talaga para sa kanya ng long time composer friend na si Vehnee Saturno.

No comments:

Post a Comment