Friday, April 5, 2013

ARJO ATAYDE NASAMPAL NG BABAE



ARJO ATAYDE NASAMPAL NG BABAE

Pressure daw para sa baguhang actor na si Arjo Atayde ang kanyang agarang pagbibida sa pinakabagong Obra Serye ng Dos na DUGONG BUHAY…

Bukod kasi sa napabilang siya sa isang magaling na actors ensemble ay ito na rin ang kanyang paglulunsad bilang isang ganap na actor at leading man ng kanyang mother station.

Sa isang eksena nga ng Obra serye ay sinampal agad siya ng isang babae sa publiko. Bagay na sure naming kakikiligan ng mga girls… just watch the scene to find out why?

Mayaman, spoiled, sosyal at chickboy ang role niya sa DG at bagay na bagay ito sa kanyang mestiso looks… mukhang napakabango palagi at may tusong ngiti na siguradong bibihag sa puso ng mga dalagang televiewers.

Sumabak agad sa mga maaksyong at drama workshop si Arjo para lamang masigurong maibibigyan niya ng justice ang kanyang character na si Rafael ang bunsong anak ng mga De Lara na target namang patayin ng character na si Ejay Falcon bilang si Victor… walang alam ang dalawang character na sila ay magkapatid na pinaghiwalay lamang ng matinding galit at panahon na gagamitin para sa Vendeta ni Simon… ang lalaki sa pagitan ng magkapatid!

No comments:

Post a Comment